Chapter 33- I'm so BACK

1.1K 21 4
                                    

STEFF’S POV

Ilang araw akong hindi pumasok. Ilang araw na din akong hindi tinatantanan ng media.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Nagmamahal lang naman ako, bakit parang ang laking pagkakasala ng nagawa ko at pinahihirapan ako ng ganito?

“Girl, let’s go na. Male-late tayo nyan e.” Jm said trying to snatch my attention. “You should put a lot of foundation or cream, kitang-kita pa din ang pasa sa fes mo e.”

Isa sa mga dahilan ng paghihirap ko ngayon ay ang nangyari sakin sa at relasyon ko sa mga magulang ko. I was always their baby, pero after ng mga nangyari, pagkatapos akong sampalin ni Dad ay umalis din sila, getting me locked up here in the mansion. I feel like I’m a prisoner accused of something I didn’t do but doesn’t had the chance to speak up.

“Halata pa ba? Ang dami ko ng inilagay e.” sabay tingin ko sa salamin. I’m really thankful na hindi ako iniiwan ni Jm, Cecille at Jake lalo na sa mga panahon ngayon though madalas wala si Jake dahil sa tapings ay hindi naman ito nakakalimot.

Lumapit sakin si Cecille at nilagyan ng cream ang pasa sa may bandang labi ko. “Ang hirap naman i-conceal nito e. Kainis!”

“Hayaan mo na nga yan. ‘Lika na, male-late na tayo. Si Ms. Grumpy ang teacher ngayong first subject.” yaya ko na sa kanila.

Habang nasa sasakyan ay patuloy ang pagkkwentuhan nila. “Steff, wag kang magalala ha. Kapag may nangaway sayo mamaya sasabunutan ko at ilalampaso ko sa sahig. Promise!” sweet na sabi ni Jm.

I smiled at him. Sa totoo lang hindi naman ako kinakabahan, hindi lingid sa kaalaman ko na maraming nagagalit sakin ngayon. Siguro iniisip nila na isa lang akong pathetic, spoiled brat bitch but I definitely do not care.. Ganun ata talaga kapag alam mong hindi naman totoo ang inaakusa nila.

“Don’t worry Jm. I’m not scared of them.”

“Hay naku! Dapat lang no! Lumaban ka nga Steffanya! Nung hindi ka pa pumapasok ay nagrreyna-reynahan yang Laine na yan dahil wala ka. Aba porke’t nakuha ang simpatya ng karamihan!” nangigigil na saad ni Cecille.

“Let her be.”

“Let her!?? Let her na naman!!! Aba Steffie Lian! Baka imbis na yung mukhang higad na babaeng yun ang saktan ko ay ikaw ang masaktan ko sa pagiging sadista mo sa sarili mo! Una ay hindi ka nagsalita sa media para man lang linawin ang lahat, hanggang sa school ba naman ay magpapatalo ka sa higad na yun?” naiintindihan ko naman na naiinis na si Cecille, nung nakaraan pa nga nya ako gustong balian ng buto dahil daw pinahihirapan ko ang sarili ko e pwede naman akong lumaban.

“Alam mo kasalanan din ‘to ni Bryan e! Bakit ba hindi siya nagsasalita sa media! Ang sabi nila Fafa Kevs walang alam si Bryan sa pinagsasabi ni Laine pero ni hindi man lang siya magpakalalaki at magsalita sa press. Myghaddd! Mas lalaki pa ata ako sa kanya.” sabay hilot ni Jm sa sentido niya.

Pangalan nya palang ay naguunahan na ang mga karayom sa pagtusok sa dibdib ko.

Bryan.

Nakita kong siniko ni Cecille si Jm bilang pagsaway dito, pare-parehas na kaming nanahimik pagkatapos nun. Nang makarating kami sa gate ng Harris ay may mangilan-ngilang press pa ang nandoon, mabuti nalang at tinted ang sasakyan namin.

Kung iniisip nyong okay lang sakin ang ginawa ni Melalaine ay nagkakamali kayo. Hindi ako ganun ka-santa santita at nauubos din ang pasensya ko..

Sorry Melalaine, but it’s payback time..

Pagbaba palang namin ng sasakyan ay naririnig ko na ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid. Psh, daig pa nila ang mga bubuyog.

Agad namang tumabi sakin si Cecille at Jm na para bang pnoprotektahan ako.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon