Chapter 57- Can I have this dance

604 25 6
                                    

Sorry sa spelling and grammatical errors. Enjoy! **

“For you.” inabot niya sakin ang isang malaking bouquet. Kinikilig pa din ako kahit na halos araw-araw ay nakakatanggap ako nito mula sa kanya..

Iginiya niya ako papunta sa nakalatag na higaan sa gitna nitong roofdeck. Naiiyak ako sa sobrang saya. Feeling ko umaabot sa Edsa ang buhok ko sa sobrang haba.. Who would’ve thought that Bryan Harris will prepare something like this for me?

Malumanay ang music na tumutugtog.. ang sarap pakinggan. “Sana nagustuhan mo. Sorry kung medyo mukhang minadali ha? Buong araw kong iniisip kung paano magiging special ‘tong gabi na ‘to for us.. Kanina ang dami kong gustong sabihin pero nung andito na ako bigla akong na-block.. Ewan ko ba. Araw-araw naman kitang nakikita but I’m still always mesmerized by your beauty.. Kapag tinitignan na kita nawawala na ako sa sarili ko. Nakakalimutan ko na yung mga sasabihin ko..”

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sobrang seryoso ng pananalita niya.

Pumikit siya ng mariin tsaka marahang humalakhak. “Damn! I am totally and incredibly smitten over you..”

Hindi ako makapagsalita sa sobrang..ahm. Overwhelmed? Saya? Hiya? Naghahalo-halo yung nararamdaman ko..

Umaapaw na ata lahat sa puso ko.. Yung pagmamahal ko sa kanya sobra-sobra na. Paano nakakaya ng puso ko pagkasyahin ang nararamdaman ko para sa kanya? Pakiramdam ko kasi ay kahit sampung puso ang pagsama-samahin ay kulang pa din para dito.

Pinaupo niya ako sa foam na nakalatag sa gitna. Sobrang comfortable ng pakiramdam ko.. “Kanina mo lang ba ‘to pinaghandaan?”

Inaayos niya ang mga pagkain na nasa tabi. Sa tingin ko ay inihahanda niya na para makain namin.. Tumingin siya sakin at masayang tumango.

“Oo, ayoko naman dalhin ka sa mall dahil masyado na yung cliche’ at alam kong ayaw mo ng panibagong gulo, hindi pa din ako handang ilabas ka sa maraming tao. Na-trauma na ata ako sa mga nangyari, parang gusto ko sa tabi lang kita dahil baka masaktan ka na naman ng iba.. Pagpasensyahan mo na kung dito lang muna ang date natin ha? Don’t worry kapag nakausap ko na ang mga magulang mo, we’ll go public. And I’ll date you around the world. In every possible places in earth.”

Lumakas ang kabog ng puso ko. “K-Kakausapin mo sila Daddy?” biglang tanong ko.

Imbis na siya dapat ang tense ay mukhang ako ang nate-tense. Alam kong medyo okay na kami ni Dad pero.. hindi ko alam kung matatanggap nila si Bryan..

Paano kung tutulan nila kami? Paano kung galit sila kay Bryan at bastusin lang nila ito? Pero hindi naman siguro diba? I mean, magbestfriend si Mommy at Tita Anna.. hindi naman siguro nila pagsasalitaan si Bryan ng masasama no?

Sa sobrang occupied ko ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. He is now sitting in front of me, staring directly through my eyes..

 I can see guilt, pain and sadness in his eyes..

“I know what you’re thinking.” aniya bago huminga ng malalim. “If ever they’ll ask me to avoid or leave you.. I promise I won’t. I will never leave you, Steff.. Lalaban ako kahit patayan. Tandaan mo yan.”

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon