My Closet Queen (Chapter 63)

Start from the beginning
                                    

" ahhh sige sige pupunta na ako " sabi ko nalang parang may mali e

In-end call ko na at nagpaalam na ako kay Christian tumango nalang sya at umalis na ako. Nagmadali ako maglakad papunta sa parkingan dahil baka may nangyari , bigla bigla kasi dun nalang gusto makipagkita ni  Sam.

Pagkadating ko sa sasakyan ni Sam nandun na sya sa loob, lumabas sya ng sasakyan at sinalubong ako

“ hey! What happened? Is there something wrong?” pag aalala ko ng lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit

Hindi ko alam ang nangyayari pero hinigpitan nya pa lalo yung yakap sakin, kaya yumakap nalang din ako sa kanya ng mahigpit para maramdaman nyang andito lang ako sa tabi nya at safe na safe sya.

Mga ilang segundo din kaming ganun at bumitaw na din sya sa pagkakayakap, hinarap nya ako sa kanya sabay ngiti.

“ namiss lang kita ng sobra sobra” at ngumiti sya ng pagkalaki laki, pero parang may iba sa mata nya, hindi tugma sa pinapakita nyang ngiti ngayon.

“ ano nangyari? Hindi ka ba natanggap sa try out?” tanong ko sa kanya dahil minsan ganyan si Sam pag may nangyayaring hindi maganda sa kanya tinatago nya pero nahuhuli ko din minsan.

“ hindi pa sasabihin ngayon kung kuha, baka sa darating na araw pa daw” sabi nya lang

“ wag ka na malungkot baby ko, siguradong makukuha ka sa galling mong yan” sabi ko sa kanya sabay masahe ko sa balikat nya. Siguro kinakabahan lang to kaya siguro ganito sya.

“ salamat baby, maswerte ako dahil nandito ka sa tabi ko. Wag mo ako iiwan ha?” seryosong sabi nya sakin habang nakatitig lang sya sa mata ko.

Habang nakatingin din ako sa mata nya makikita mo na sincere ang pagkakasabi nya na yun pero parang may takot.

“ syempre naman baby ko hindi kita iiwan, wala akong dahilan para iwan ka” sabay hawak ko mukha nya

“ mahal na mahal na mahal kita, wala ako maisip na dahilan para iwan ka” dagdag ko pa at niyakap ko sya ng mahigpit.

Hindi ko alam bakit bigla din ako nalungkot nung narinig ko yung pagkakasabi nya na wag ko sya iiwan, parang takot na takot na ewan. Hinigpitan ko pa ang yakap ko para mabawasan yung nararamdaman nya kung ano man yun.

“ thank you baby, I feel better now” sabi nya sabay kalas sa pagkakayakap nya sakin .

“ I love you” sabay kiss nya sa lips ko

Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na gagawin nya yun, knowing na nasa public place kami.

Hinila nya na ako at pinagbuksan ng pinto at sumakay na din sya.

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now