My Closet Queen (Chapter 19)

12.5K 199 2
                                    

Chapter19



<> Jessica <>




Simula nung dumating kami ng rest house galing mamasyal ay hindi ko pa nakikita si Sam, hindi ko alam kung saan sya pumunta.



Hinanap ko sya sa kwarto kala ko nagpapahinga sya dun pero wala. Umiiwas talaga sya sakin.



Kanina nagprisinta sya na sya daw magdridrive tapos lagi nya kasama si Giezel or yung Boyfriend nya.


Namimiss ko na sya.


Nakipag kwentuhan lang ako kila Chloe Margarette at Richie yung mga boys naglalaro ng xbox.


Napansin ko andito yung boyfriend ni Sam pero sya wala, si Giezel nakita ko lang may dalang mga chichirya tapos hindi ko na nakita ulit



Nandito kami sa dining table at wala pa rin si Sam at Giezel kaya tumayo yung boyfriend ni Sam



maya maya kasama nya ng dumating yung dalawa at akay akay ng boyfriend ni Sam si Giezel bakit lasing to,



maya maya pa nasa likod na nila si Sam na namumula at halatang lasing din.


Kaya pinuntahan ko agad si Sam at inalalayan.



" hey what happened bakit ka lasing? " tanong ko sa knya, nag aalala kasi talaga ako, saka nung nakita ko sya parang namiss ko agad sya na gusto kong yakapin sya.


Hindi sya umimik at umupo na sya. Bumalik na ako sa upuan ko at nag lead na si alfred at kumain na kami.




" hoy Sam at Giezel bakit kayo nagsosolo at hindi kayo nag aya uminom " sabi ni Margarette



" wala. Napagtripan lang " sabi ni Sam



Nang matapos na kumain umakyat na si Sam.



Sinundan ko sya alam ko kung ano nanaman gagawin neto dahil nakita kong nanghinge sya kila margarette ng yosi.



" ayoko ng nakakaamoy ng usok dito kaya pwede ba itigil mo yan " sabi ko habang papasok ako ng kwarto



Tumingin sya at tinuloy nya pa din yung pagsindi sa sigarilyo.


" ano ba nangyayari sayo. Hindi na ikaw yung Sam na nakilala ko! I hate you! I hate you! " sabi ko sa kanya




sabay hampas sa braso nya. Naiinis na kasi ako sa mga pinag gagawa nya ngayong araw, sa pag iiwas nya, sa pandededma nya.




Nilagay nya yung sigarilyo sa ashtray at umupo sya sa sahig dahil naupo na din ako sa sahig kakaiyak.


Yumakap lang sakin si Sam habang hinahagod yung likod ko.



" Sorry Jessica, gusto ko kasi lumayo ang loob mo sakin, gusto ko magalit ka sakin " sabi nya na umiiyak na din pala sya



" why? Ayaw mo ba sakin? Dahil ba mahal mo yung boyfriend mo? Dahil pinapalayo ka na ng boyfriend mo sakin " sabi ko sa kanya hindi ko na mapigilan yung sarili ko.


Sumisigaw na ako sa inis.



" natatakot lang ako sa nararamdaman ko Jessica " sabi nya. Parang hindi nya ata narinig yung sinabi ko patungkol sa biyfriend nya


" bakit ano ba nararamdaman mo sakin? " tanong ko sa kanya



" MAHAL KITA JESSICA! Pero natatakot ako baka hindi mo ko gusto. Baka gusto mo si Josh, at baka layuan mo ko pag nalaman mong gusto kita. " pabulong nya sabi dahil umiiyak pa rin sya.




Natulala ako sa sinabi ni Sam, inamin na nyang mahal nya ako, at natatakot sya na baka hindi ko sya gusto na baka si Josh ang gusto ko.



Nagulat ako dahil umamin sya gustong gusto ko nung narinig ko yun


Ngumiti ako at pinahid ko yung mga luha sa mata ni Sam



" Shhhhh mahal na mahal din kita SAMANTHA baby "


Sabay halik ko sa kanya, una hindi sya gumagalaw hindi ata makapaniwala


pero unti unti na bumubuka yung bibig nya at yung kamay nya nasa bewang ko na


yung magkabilang kamay ko naman ay pinulupot ko sa batok nya.


Mas diniin ko pa yung halik ko na natuwa ako dahil napa ungol sya bumaba na yung halik ni Sam papunta sa leeg ko tapos sa sa tenga ko at bumulong sya


" I LOVE YOU too baby " nanginig naman ako sa bulong nya na yun at lalo nag init tong nararamdaman ko.



Maya maya gumagalaw na yung kamay ni sam kanina nasa bewang ko lang ngayon nasa loob na ng damit ko.


Naghahalikan lang kami hanggang sa hindi na kami makahinga.



Magkadikit lang yung noo namin at nagtitigan habang hinahabol ang mga hininga namin



" Hmmmm amoy alak at yosi ka maligo ka nga " sabi ko sabay nose to nose ko sa kanya


Ngumiti sya at hinatak ako patayo.



" wait! Anong ginagawa mo aber? " tanong ko sa knya



" hindi aber ang pangalan ko at sabi mo maligo ako kaya maliligo ako " sabi nya sabay hatak sakin




" sabi ko maligo ka hindi kasama akong maligo " sabay bawi ko sa kamay ko. Natatawa ako dito kay Sam napaka.




" ehh gusto kita kasama " sabi nya na may pagpadyak pa na parang bata




" kapal mo, hindi pa nga tayo saka hindi pa ako ready. " nahihiya kong sabi.


Totoo naman first time ko nga kang makipaghalikan sa babae, makipag makeout sa babae saka wala pa kami official na kung ano kami.



" ang green mo baby, maliligo lang tayo, kung ano ano iniisip mo dyan. " sabi nya na natatawa.



" ah basta pumasok ka na at maligo ka na " sabay tulak ko sa kanya sa loob



Buti naman at hindi na sya kumontra at naligo na. Hindi ko talaga alam gagawin ko kung magsasabay kami maligo.


Tapos na kami maligo at nakahiga lang kami sa kama, nakaunan ako sa braso nya, hinihimas himas nya lang yung buhok ko habang nakaakap ako sa kanya.




" Baby may tanong ako sayo " sabi ni sam




Nag hmmm nalang ako para alam nyang nakikinig ako sa kanya




" pwede... ba kitang liga..wan?" Sabi nya na uutal utal pa




Nabigla din ako sa sinabi nya kaya tumingala ako kung totoo yung narinig ko.




Nakatingin lang sya sakin na parang inaantay yung reply ko.




Sandali kung manliligaw sya pano yung boyfriend nya




" alam mo napaka babaera mo " nagulat sya nung sinabi ko yun.




Totoo naman kasi may boyfriend sya tapos manliligaw sya sakin




" panong babaera, ikaw nga lang gusto ko at natatakot pa nga ako umamin " sabi nya na nagtataka



Tumayo na ako, nakakainis kasi kung umasta kala mo walang boyfriend



" sige nga, pano yung boyfriend mo? Pano mo sasabihin na manliligaw ka sakin. Saka ano ako kabet mo? " sigaw ko sa kanya



Nagtataka pa din yung mukha nya, nagtataka siguro sa pinagsasabi ko




" WHAT! what are you saying ba? Wala akong boyfriend at anong pinagsasabi mong kabet? " tanong nya na naiinis na din




" diba yung boyfriend mo na kasama ni andrew na nilalandi ka din ay boyfriend mo yun? Kasama pa nga natin nung nagsimba tayo, pati eto kasama dito sa mga pictures na to" sabay turo ko sa mga pictures




Tumawa sya ng tumawa, bwisit na to nagagalit na nga ako sabay tumatawa pa, so totoo nga.




Kainis! Sa inis ko mag wawalk out na sana ako ng hatakin nya ako at niyakap




" baby hindi ko boyfriend yun, asawa ko yun " sabi nya.



Kaya nanlaki mata ko sa sinabi nya, hahampasin ko sana yung dibdib nya pero hinigpitan nya yung yakap nya sakin.


" Joke lang! Ano ka ba yung lalaking sinasabi mo ay ang kambal ko si Samuel " natatawa nyang sabi pero nakaakap pa din sya sakin



Lumayo ako sa pagkakayakap nya na nanlaki mata ko saka naka open pa yung mouth ko. Hindi ako makapaniwala


" Si Samuel kambal ko, sya yung kasama natin nung nagsimba tayo, at kaya kasama ko sya sa pictures dito sa kwarto ko kasi kambal kami at family pictures namin yun " sabay turo nya sa mga pictures




" ehh bakit nakita ko kayo sa school nakakapit ka sa braso nya, pati nung sa simbahan, basta ang sweet sweet nyo" sabi ko na naghihinala pa din




" kasi po sweet lang talaga kami sa isat isa, kaya minsan napagkakamalan kong boyfriend ko si Samuel, saka hindi ba kami magkamukha " sabay papogi sign nya.




Sa una hindi mo sila makikita magkamukha dahil mahaba yung buhok ni Sam pero pag tinitigan mo nga magkamukhang kamukha



Lumapit sya sakin at hinapit nya ako sa bewang.




"So pwede na ako manligaw? " tanong nya




Tumango nalang ako at humiga na sa kama. Magkayakap lang kami sa isat isa




" kaya next time alamin mo muna bago mag assume ng kung ano ano ah. Tara tulog na tayo antok na talaga ako.Goodnight baby ko " sabay halik sa noo ko




Tumango nalang ako at nag goodnight na ako sabay kiss ko sa lips nya.

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now