My Closet Queen (Chapter 70)

4.6K 86 5
                                    

Jessica

Sobrang saya ko ngayon dahil natupad na ang lagi kong pinagdarasal ang magising na ang pinakamamahal ko. Akala naming lahat hindi magiging successful ang operasyon dahil baka hindi kayanin ni Sam yung major operation na ginagawa sa kanya pero buti nalang at malakas sya at lalo na sa nag mamay-ari ng puso ngayon ni Sam.ii

Laking pasasalamat namin dahil bago mawala si Christian nag prisinta sya na subukan kung i-match sila ni Sam at willing sya maging donor ni Sam para hindi masayang ang pagkakataon na makatulong sya, lalo na at kay Sam mapupunta yung puso nya kung sakali, una ayaw pumayag ng magulang ni Sam dahil pinipilit lumaban na gumaling sya dahil sa aksidente na natamo nya, pero sabi ng doctor ay hindi na din tatagal si Christian sa lagay ng pagkakaaksidente nya kaya tinanggap nalang din ng papa ni Christian at pumayag na din sa gusto mangyari ni Christian na idonate kay Sam ang puso nya.

Araw-araw ako nagbabantay kay Sam baka sakaling gumising na sya pero hanggan ngayon wala pa din

Ilang buwan na ang dumaan, minsan pag ako lang ang nagbabantay kinakausap ko sya kinukwentuhan ko sya ng mga nangyari sa aming lahat. alam kong nakikinig sya dahil minsan gumagalaw yung daliri nya at dun ako humuhugot ng paniniwala na babalik na sya samin, kaso natatakot ako dahil pano kung hindi nya na ako mahal? Pano kung wala na syang nararamdaman sakin dahil iba na yung puso nya sana hindi sya magbago.

Bigla tumahimik lahat ng binanggit ni Sam si Christian wala ni isa gusto magsalita para sabihin ang lahat ng nangyari kay Sam baka kasi sisihin nya ang sarili nya pag nalaman nya na kay Christian ang nakalagay na puso ngayon sa kanya

" hey wag ka magselos ikaw ang mahal ko" bulong sakin ni Sam dahil wala nag response sa sinabi nya at nakita nya na bigla ako nalungkot

Hindi naman sa nagseselos ako, nalungkot ako dahil masasaktan si Sam pag nalaman nya ang lahat lahat at laking pasasalamat ko kay Christian dahil sa kanya binigyan nya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay ang babaeng pinakamamahal ko.

Pinilit ko nalang ngumiti at nagkanya kanya na ulit sila ng usap dahil umingay na ulit sa loob ng kwarto ni Sam.

Nag daang ang araw at may ginawang test kay Sam para makasigurado na ok na sya, bukas makakalabas na sya sobrang saya ko dahil makakaalis na si Sam sa hospital dahil eto ang pinaka ayaw nyang lugar.

"baby siguro yung may ari ng puso ko ngayon sobra nyang mapagmahal, kasi parang comfortable at wala akong nararamdaman na sakit sakin parang ang gaan sa feeling, pero baby wag ka magseselos ah kahit na iba ng tong puso ko sa isip ko at sa nararamdaman ko ikaw pa rin ang pinakamamahal ko" sabay ngiti nya sakin

"talaga walang nagbago??" Paninigurado ko, baka kasi nagbago na yung nararamdan nya para sakin

"hmmmm may nagbago" sabi nya na parang nag iisip pa

Hinampas ko sya ng mahina sa braso pano talagang nag isip pa sya

"aray! Masakit baby ko sinasaktan mo nanaman ako"

"sinaktan ka dyan masakit ba yun?" tanong ko sa kanya

Nilagay nya yung hintuturo nya sa gilid ng ulo nya na parang nag iisip kung kanina naka ngiti sya ngayon bigla sumeryoso yung expression ng mukha nya at tumingin sakin

" mas masakit pa din nung iniwan mo ako"

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa sinabi nya hindi ko alam kung ano sasabihin ko nakatitig lang kami sa isat isa

Biglang ngumiti sya at hinawakan nya yung mukha ko

"pero hindi mo naman na ako ulit iiwan diba??" paninigurado nya sakin

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now