My Closet Queen (Chapter 50)

9.7K 150 9
                                    

Chapter50



<> Sam <>



Nagising ako parang ang sarap sarap ng tulog ko parang may ibang feeling na namiss ko yung

feeling na ganito

inikot ikot ko yung paningin ko hindi ko to kwarto pero familliar sya sakin, hindi pwedeng hindi ko

makalimutan tong kwarto na to, para makasigurado ako napatingin ako sa katabi ko dahil

nakaakap sya sakin totoo nga andito ako sa kwarto ni Jess pero teka lang panaginip ba to,

kung panaginip to sana hindi na ako magising.

Ang sarap ng tulog ng baby ko saka ang ganda ganda nya talaga yung matangos 

nyang ilong, yung pilik mata nyang mahaba at yung lips nyang malambot. Bigla kong kniss yung

lips nya grabe God knows how I miss this lips this girl in front of me.

Nagulat ako ng dumilat si Jess

" good morning " ngiti nyang sabi

Hindi ko alam kung ano gagawin ko dahil baka nahuli nya na ninakawan ko sya ng halik kaya sya nagising.

" g-good morning " hiya kong sabi sa kanya

Alam ko nag blush ako dahil biglang nag init yung cheek ko kaya tatalikod na sana ako sa kanya

ng higpitan nya yung yakap nya sakin

" wag ka na mahiya cute mo kaya " sabi nya na tumatawa

" eihhh sabi na nga ba aasarin mo ko eh " sabi ko

" hindi na basta dito ka lang sa tabi ko " sabi nya at lalong hinigpitan nya yung yakap nya

Niyakap ko din sya sobra sobra ko talaga syang miss ilang minuto lang kami magkayakap

sa isat-isa ng maalala ko yung nangyari kagabi, hindi ko talaga sinasadya yung sinabi ko

ok lang sakin sampalin nya ako dahil nararapat lang sakin yun. At nung naghahantay sya ng

taxi niyakap ko sya pero tinanggal nya, sobra akong nasaktan akala ko hindi ko na ulit sya

mayayakap ng ganito. Galit pa kaya sakin si Jess dahil sa nagawa ko sa kanya


" Jess I'm sorry sa sinabi ko kagabi hindi ko sinasadya, alam ko mali yun at nasaktan kita sana

wag ka na magalit sakin, aaminin ko nagselos lang ako kagabi kaya ko nasabi yun, dahil mahal

na mahal pa din kita, hindi nagbago yung pagmamahal ko sayo mas lalo pa kita minamahal

bawat araw na dumadaan. " 



Bumuntong hininga ako dahil hindi nagsasalita si Jess pero magkayakap pa din kami sa isat isa


" alam ko hindi mo ko mapapatawad sa nagawa ko, at alam ko may iba na laman ng puso mo

pero sana sa darating na araw mapatawad mo ko, " bumitaw na ako sa pagkakayap ko sa kanya

at tatayo na ako ng higpitan nya ulit yung pagkakayakap sa bewang ko para pigilan ako

" please stay! Hindi ko na ulit papayagan na iwan mo ulit ako kagaya ng pag iwan mo sakin nung

nasa batangas tayo. " sabi nya na may lungkot sa boses nya

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now