My Closet Queen (Chapter 52)

9.6K 133 6
                                    

Chapter52

<> Jessica <>

Nabigla si Sam nung sinabi ko na sa cemetery kami magdadate. Hindi naman sa inaaning ko sya

pero may balak talaga ako ipapakilala ko sya kay mommy. Gusto ko makilala nya si mommy, kahit

wala na si mommy dito sa mundo na to alam ko tanggap nya si Sam, dahil si Sam ang mahal ko at

alam ko na masaya si mommy para sa akin. Umuwi na si Sam dahil hindi sya nakauwi kagabi, at

mamaya susunduin nya ako dito sa bahay pupunta kami sa puntod ni mommy. Si Gab pumunta sa

kamag anak nya kaya ako lang ang tao nanaman dito sa bahay.

Nag ayos nalang ako ng kwarto ko gusto ko sana mag decorate ng mga christmas decor para

mafeel ko kahit papano yung christmas spirit, kagaya dati nung buhay pa si mommy magsisimula

palang yung bermonth magdedecorate na kami sa buong bahay, at kaming tatlo nila daddy ang

nag aayos sa malaking christmas tree at ako yung pinaglalagay nila ng star sa tuktok ng christmas

tree. Kung nandito siguro si mommy ngayon puro christmas decoration na tong bahay, at may

malaking christmas tree na. Ngayon etong bahay namin ay isa nalamang bahay at hindi mo

matuturing na tahanan dahil makikita mong wala ng buhay tanging mga iilan nalamang na ilaw na

bukas, at tahimik wala kang maririnig na tawa. Nagiging masaya nalang ako pag andito si Sam sa

bahay, hindi ko alam kung hindi ko nakilala si Sam baka kagaya na ako ng bahay namin na walang

buhay at walang kasiyahan na nararanasan.

Naligo na ako at nag ayos dahil nagtxt na sakin si Sam na papunta na daw sya dito sa bahay.

Papunta na kami sa puntod ni mama tahimik lang kami ni Sam hindi ko alam kung bakit hindi sya

nagsasalita. Nakatingin lang ako sa bintana biglang may humawak sa kamay ko, tinignan ko sya

hinigpitan lang nya yung hawak sa kamay ko habang yung isang kamay nya nakahawak sa

manibela. Ngumiti nalang ako sa kanya. Napansin ko ang lamig ng kamay ni Sam na pinapawisan

natatae ba sya bakit ganito sya.

" Sam ok ka lang ba? " tanong ko sa kanya

Hindi sya umiimik nakatingin lang sya sa kalsada habang nagmamaneho

" hey ok ka lang ba? " ulit kong tanong pano ayaw magsalita nag aalala tuloy ako

Hininto ni Sam yung sasakyan sa tabi ng kalsada tumingin sya ng seryoso

" baby.... "

Inaantay ko yung sasabihin nya dahil ang seryoso ng mukha nya. Hindi ko alam kung ano ba

nangyayari sa kanya. Tinignan ko sya na parang nagtatanong kung ano meron

" bhie ang sakit. " sabi nya na napapapikit pa

" ha? Anong masakit? " pag aalala ko

" bhie nag l-lbm ako, sakit ng tyan ko, natatae na ako" sabi nya

Hindi ko alam kung ano irereact ko, kung matatawa ba ako o maaawa dahil sa sinabi nya. Kala ko

pa naman kung ano na nangyayari sa kanya. Kaya pala tahimik kanina pa simula nung umalis

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now