My Closet Queen (Chapter 28)

11.4K 143 1
                                    

Chapter28






<> Sam <>



Bukas na yung laban namin ng volleyball at puro lang practice kami kaya buong araw ko ngayon hindi kasama si Jess



Namimiss ko na tuloy sya. Hindi na ako pumasok sa klase namin ngayon dahil wala din naman gagawin



Nagpaalam din kami ni Giezel at pumayag naman yung prof saka wala naman daw kami problema sa academic kaya ok lang



Sino kaya kasama ng baby ko ngayon wala kami ni Giezel para samahan sya



Kami lang tatlo lagi magkakasama kaya nag aalala ako kung sino kasama nya




Tapos na yung pahinga namin at balik kami practice




Mga 5 na kami natapos sa practice nakakapagod pero ok lang para ready sa game bukas



Hindi pa tapos yung klase ni Jess kaya inaantay ko na lang sya



Nakita ko sila Samuel kasama kaibigan nya kaya tumabi sila sakin


" bakit mag isa ka lang " tanong ni Samuel


" may inaantay pa ko, kakatapos lang ng practice namin" sabi ko



Bigla ako napatingin kay Samuel at Charles parang nagsesenyasan


" andrew kevin samahan nyo nga ako may nakalimutan ako" sabi ni Samuel


Alam ko na balak netong mga to ako pa ba.


Ayun naiwan si Charles sa tabi ko


" kamusta naman yung practice nyo? " sabi ni Charles



" ok lang nakakapagod bukas na kasi laban namin " sabi ko


Hindi naman ako naiilang kausap si Charles kahit alam ko crush nya ko



Saka gwapo si Chrales saka mukha syang mabait


Saka tignan mo yung mga babae at binabae na dumadaan tinitignan sya


napapalingon talaga mga babae at binabae sa kagwapuhan nya


Yung datingan kasi ni Charles parang si Sam Concepcion



Nag usap lang kami ng nag usap ng kung ano ano


Joke nga sya ng joke kahit corny nakakatawa parang sila Kevin din na ang daming kalokohan


Minsan pa nga nahampas ko sya dahil sa sobrang tuwa ko sa joke nya


Hindi ko na namalayan yung oras dahil sa pag uusap namin ni Charles


Nagvibrate lang yung cp ko kaya napatingin ako


" tapos na klase ko, tapos na ba practice mo? " txt ni Jess


Tumayo na ako dahil pupuntahan ko na si Jess


" oi aalis na ako, next time ulit " sabi ko kay Charles


" talaga may next time pa wow naman. Sige sige next time" sabi nya na natutuwa



Ok lang naman dahil nakakatuwa kasama si Charles at wala syang problema sakin



" oo naman. Sa ka cornyhan mo ba naman Mr.Cornic " sabi ko na natatawa pa


Nag bye na ako sa kanya at pumunta na ako sa parkingan



Nireplyan ko kasi sya na puntahan ko sya sa classroom dahil tapos na yung practice namin


Pero sabi nya magkita nalang kami sa parkingan ng kotse ko



Pagdating ko andun na sya nag aantay



Nagdahan dahan pa ko para gulatin sya


" BOoOOh! " gulat ko sa kanya


" Ay bwisit! " gulat nya


Tumawa lang ako at niyakap ko sya


" I'm super duper miss you " sabi ko sabay hinigpitan ko yung yakap ko


" miss you too " sabi nya at hinigpitan nya din yung yakap nya sa bewang ko



" talaga namiss mo ko? " tanong ko



Wala lang gusto ko lang ulitin nya


Tumingala sya sabay tumango


" I'm really miss you " sabi nya sabay pout


Kniss ko naman ng mabilis yung lips nya namiss ko sya


Alam ko nasa parkingan kami pero namiss ko talaga sya


" you're so cute baby " sabi ko


" shut up! " sabi nya



Kaya tumawa kami parehas. Sungit sungitan talaga sya pag nahuhuli



" let's go! " sabi ko


Pinagbuksan ko na sya ng pinto


" saan tayo? Gusto mo kumain muna? " sabi ko habang pinaandar na yung sasakyan


" kahit saan. " sabi nya


" yellowcab tayo gusto ko ng pasta at pizza " sabi ko nagugutom na kasi ako



Umorder na kami at maya maya dumating na yung pagkain


Habang kumakain kami parang malungkot si Jess bakit kaya



" kamusta ka ngayon Baby ko? " tanong ko sa kanya habang kinakain ko pizza ko



" sakto lang " sabi nya


Tipid nya sumagot bakit kaya


" may problema ba? " tanong ko sa kanya


Umiling lang sya



Pinabayaan ko na lang sya at kumain na kami mamaya ko nalang sya tatanungin


Baka ayaw nya pa pag usapan







<> Jessica <>




Sobrang sira ang araw ko ngayon una hindi ko kasama si Sam maghapon dahil may practice sila


Pangalawa wala ako kasama buong araw


Lastly si Daddy nalaman nya na hindi ako umuwi kahapon sa bahay at wala daw sya pakielam kahit wag na ako umuwi dahil wala na daw sya anak simula nung nawala si mommy



Nung nabasa ko yung txt ni daddy na yun sobra akong nasaktan


Hindi ko naman ginusto ang lahat ng nangyari hindi ko gusto mawala si mommy agad


Kung pwede lang ako nalang ang nawala at hindi si mommy para hindi na ganito sakin si daddy


" kanina ka pa tahimik simula nung kumakain tayo, may problema ba? " tanong ni sam na nakahawak sa magkabilang kamay ko


Dito kami sa baywalk magpapahangin lang daw muna kami ni Sam dahil napagod sya sa practice nila


Umiling lang ako kay Sam kanina nya pa ako tinatanong kung ano problema


Puro iling lang sagot ko sa kanya dahil ayaw ko na sya idamay sa problema ko



Mas humigpit yung hawak nya sa kamay ko


" andito lang ako hinding hindi kita iiwan, saka wag mo sarilihin yang problema mo dahil andito ako tayo dalawa haharap. Sobra kitang mahal Jess ayaw kitang nasasaktan ng ganyan " sabi ni Sam



Naiiyak ako sa sinabi ni Sam at yumakap ako sa kanya



Hinahagod nya lang yung likod at tinatapik pinapabayaan nya lang ako umiyak



Yung kaninang luha na pinipigilan ko umaagos na



Buti nalang at andito si Sam



Alam ko hindi ako nag iisa kahit ganito trato sakin ni daddy may tao pa din handang mag pahalaga sakin


Nung ok na ako hinarap ako ni Sam sa kanya nakatingin lang sya sa mata ko


Na parang sinasabi na pwede ko sabihin lahat sa kanya


" nung 1yr ago sabi ko kila mommy at daddy na magbakasyon kami pero si daddy may business trip nun, nagtampo ako sa kanila dahil nangako sila na magkakasama kaming magbabakasyon. Hindi makatiis si mommy na nagtatampo ako sa kanya kaya kami nalang daw ang magbabakasyon. Pumunta kami sa tagaytay dahil may rest house kami dun si mommy nagdridrive sobrang saya namin ni mommy ng mga panahon na yun kung ano ano pinag usapan namin nung bata pa ko at kung gano nya kami ka mahal ni daddy na mag iingat daw ako araw araw at alagaan ko daw si daddy pag wala sya " kwento ko kay Sam


Habang knukwento ko kay Sam bumabalik nanaman ang sakit na nararamdaman ko nung araw na nawala si mommy



" nung pauwi na kami gabi na at umuulan pa kaya delikado mag byahe pero si mommy mapilit, habang binabaybay namin yung highway biglang may isang bus na sumalpok sa side ng sasakyan at humampas kay mommy nagulat ako sa pangyayari nanlabo ang paningin ko nagising nalang ako nasa hospital na ako pinilit ko hanapin si mommy pero sabi ni daddy wala na sya. Kaya simula nun hindi na ako kinakausap ni daddy, lagi nalang sya umuuwi sa bahay ng gabi at aalis agad ng bahay para pumasok. Hindi na sya nag sstay sa bahay. Ako nalang lagi ang kumakain mag isa. Gusto ko sya kausapin pero lagi nya ako iniiwasan "



" kanina he texted me na ok lang sa kanya na wag na akong umuuwi sa bahay dahil wala na daw sya anak simula nung nawala si mommy " sabi ko sabay hagulgol ko




Hindi ko na napigilan na maiyak ulit gusto ko lang umiyak ng umiyak para mawala na yung sakit na nararamdaman ko.

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now