My Closet Queen (Chapter 31)

10.6K 157 4
                                    

Chapter31

<> Sam <>

Papunta na kami sa bar nila Chloe dahil sabi nya kanina magpapainom sya pag nanalo kami

Kala ko matatalo na kami sa laban namin kanina

Pano ba naman hindi ako makakapag focus kung si Jess kasama si Josh naghaharutan pa sila

Nung hatakin ako ni Jess at niyakap at kniss nya ako nabigla ako

Nasa marami kaming tao pero hindi ko na naisip

Parang gusto ko pa yung ginawa nya

Saka pinaalala nya na pag natalo kami mabubusted ako

Kaya inayos ko na yung laro ko sinantabi ko muna yung selos ko

Bute nanalo kami at naging MVP pa ako

Masaya ako nanalo kami at MVP ako pero may selos pa din ako nararamdaman

Kaya hindi ko magawang mag saya talaga

Dumating na kami sa bar at hindi ko iniimik si Jess habang nasa byahe kami kanina

Umupo lang kami sa couch dahil maaga pa ng konti hindi pa maraming tao

Puro estudyante dito dahil malalapit sa mga universities kaya madaling puntahan

Katabi ko sa kanan ko si Jess sa kaliwa ko naman si Sarah at ayun katabi ni Jess si Josh

" bakit ang tahimik mo? " tanong ni Jess

Umiling lang ako

Maya maya kinausap ako ni Sarah about sa play namin kanina

Si Jess ano ginagawa? Ayun nakikipag tawanan kay Josh what's new

nakakailang shots na ako at medyo nahihilo hard kasi

yung binigay na inumin samin ni Chloe para malasing daw kami agad

Nag aya sila na sayaw daw kami sa dance floor at nagtayuan naman kaming lahat

Puro kanta ni David Guetta yung kanta kaya kanya kanya yung pagwawala dito sa dance floor

Hinawakan ni Sarah yung kamay ko at nilgay sa bewang nya

Medyo may tama na si Sarah halata sa kinikilos nya

Gumiling lang sya pero nakatayo pa din ako

" dance with me Sam " sabi ni sarah na parang nang aakit

Sumandal pa sya sakin sabay giniling nya yung hips nya sa harap ko

Sumayaw na din ako baka kasi sabihin neto para akong poste asarin pa ko

Sinasabayan ko lang bawat giling nya

Maya maya uupo na sana ako ng may humatak sa kamay ko

" where are you going? " tanong nya na parang may galit sa mata nya

" uupo na ako pagod na ako " sabi ko at aalis na sana ako ng hatakin nya ulit yung kamay ko

" pagkatapos mo makipag landian sumayaw aalis ka na? " galit din yung tono ng boses nya

Landian pinagsasabi nya sumayaw lang naman kami ni Sarah baka sya kay Josh

" hindi ko alam sinasabi mo Jess " sabi ko sa kanya

" talaga lang ha. Then dance with me " sabi ni Jess

Hinatak nya yung kamay ko at pumunta sa dance floor sa gitna kami pumunta

Bigla naman nagplay yung booty work kaya ngumiti sya

Tumalikod sya sakin sabay nilagay nya yung magkabilang kamay ko sa bewang nya

My Closet Queen (girlxgirl story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora