My Closet Queen (Chapter 47)

9.2K 144 6
                                    

Chapter47


<> Jessica <>


Hindi ko alam kung ano yung hinihingi ni Sam na sorry, sorry dahil sa nangyayari samin ngayon or

Sorry dahil hindi sya nag thank you at pinagdadamot nya yung popcorn. Nakatitig lang ako sa mata


nya nung sinabi nya yun, gusto ko ianalyze kung ano ibig nya sabihin dun pero bigla sya umiwas

ng tingin at inalok nya si Charles ng popcorn. Tignan mo tong babae na to kanina pinagdadamot

yung popcorn sakin ngayon inaalok nya sa iba.

Pero pag naaalala ko nanaman yung kanina sa restaurant kinikilig ako pano talagang sumisingit sya pag tinatanong ako ni Gab


Anyway alam ko na, na kaya ginagawa lahat ng to ni Sam dahil akala nya mahal ko pa si Gab

at gusto nya ako sumaya. Pano ko nalaman dahil kay Giezel


FLASHBACK


Umalis na si Sam at patuloy lang ako umiyak ng umiyak, nakipag hiwalay na sya sakin

iniwan na ako ni Sam hindi ko alam kung ano yung sinasabi nya nararapat para sakin

nararapat na saktan ako ganun ba yun. Hindi ko pa kayang tumayo kaya umupo muna

ako dito sa buhangin kahit umiyak ako ng umiyak parang wala ng luha tumutulo naubos na ata

yung luha ko, puro uhog nalang ata natira yun nalang tumutulo.

Biglang may tumabi sakin napatingin ako akala ko si Sam si Giezel pala

Nakatingin lang sya sa dagat hindi sya tumitingin sakin, kaya tumingin na din ako sa dagat

" Wala na kami Giezel, tinapos nya na kung ano meron samin " sabi ko


nagsimula nanaman ako umiyak, kaya tinatapik tapik nya yung likod ko

" wag ka na umiyak Jessica, dahil puro uhog na yang mukha mo " sabi ni Giezel

Alam ko pinapatawa nya lang ako dahil sa sitwasyon

" hindi ko to sinasabi para pakalmahin ka sinasabi ko to dahil yun ang totoo, puro uhog ka na

kadiri ka na tignan sige ka papangit ka ng sobra " sabi ni Gie na nabasa ata yung iniisip ko

" bwisit ka. Kala ko pakakalmahin mo ko mang aasar ka pa dyan " sabi ko

" hugasan mo muna yung mukha mo dun sa dagat para ng maganda kita kausapin " sabi ni Giezel

at hinatak ako sa tubig at seryoso talaga sya pinaghihilamos nya nga ako


" ayan, hindi ka na pangit " sabi nya at umupo ulit kami sa buhanginan

" hindi ko pa alam yung dahilan ni Sam bakit nya to ginagawa pero tingin ko may dahilan sya

dahil sa bawat kilos o desisyon na ginagawa natin may dahilan lahat ng ito. Promise ko sayo

pag nalaman ko yung dahilan nya sasabihin ko sayo kahit na bestfriend ko yun sayo ako kampi

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now