My Closet Queen (Chapter 67)

5.2K 125 9
                                    

Chapter 67

SAM

Dumating ako sa tapat ng bahay ng hindi ko namamalayan, basta ang alam ko lang sa lahat ng tanga ako ang nag iisa. Biglang bumalik sa isip ko ang pangyayari kanina

Flashback

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan tanging hangin lang ang ingay ang maririnig mo at alon ng tubig sa dagat, hanggang sya na ang naunang nagsalita

" ano pag uusapan natin?" seryoso na may lungkot sa tono ng boses nya, ayoko yung ganung tono ni Jess mas ako ang nasasaktan, nakatingin lang sya sa dagat ni hindi sya tumingin sakin habang tinanong yun

" Honestly hindi ko alam kung pano ko sisimulan dahil miske ako hindi ako makapaniwala"

Napatingin na sya sakin dahil siguro nagtataka sya kung ano ang pinagsasabi ko

" hindi makapaniwala? Hindi alam sasabihin? Hindi mo kayang sabihin na bumalik na ang EX-BOYFRIEND mo na iniwan ka dati na ngayon nakikipag balikan sayo. O kayo na ulit kaya hindi mo masabi sakin kaya nilihim mo! " tuloy-tuloy nyang sabi ng papahina ang tono halatang hindi nya gusto sabihin yung huling nabitawan nyang salita

" ano totoo no kaya hindi mo masabi sabi dahil mahal mo pa din sya hanggang ngayon, na mas pinili mo sya kesa sakin. Napaka unfair mo sana hindi nalang ako nagkagusto sayo, sana pala tinago ko nalang ng tuluyan yung nararamdaman ko dahil mas pipiliin mo din pala sya. Kaya pala may ibang kutob ako sa kanya ikaw na pala hinahanap nya. Hindi pala talaga mangyayari na pang forever ang ganitong relasyon." humahagulgol na si Jess sa kakaiyak habang nagsasalita sya pero hindi ko alam sa sarili ko bakit hindi ko magawang magsalita

" siguro tama na din wala ka masabi o hindi mo sakin sabihin ang dahilan mo, siguro para hindi na ako masaktan pa sa mga dahilan mo, tingin ko magiging masaya ka sa kanya, sya tatanggapin ng magulang mo, mga kaibigan mo at ang mga tao para sayo. Ingatan mo lagi ang sarili mo please. "

Umalis sya at sumakay ng taxi ni hindi ko man lang sya napigilan hindi ko magawang ihakbang o ibuka man lang ang bibig ko para sabihin sa kanya na hindi totoo lahat ng sinasabi nya na hindi totoo na mahal ko pa din si Christian. Napaka tanga ko.

End of Flasback


Napapahampas ako sa manibela sa kainisan ko sa katangahan ko. Nararamdaman ko nanaman yung sakit ng puso ko na parang may tumutusok nanghihina ako napapahawak ako sa parte ng puso ko bakit ganito yung pakiramdammmmm...........

Dahan dahan kong minulat yung mata ko napaka liwanag, white wall ? nasa langit na ba ako bakit wala yung angel sa tabi ko? saka may kakaiba akong nararamdaman sa kamay ko parang ang bigat. Tanging puti lang ang nakikita ko, may naririnig ako ng tunog makina parang nasa lugar ako na ayaw ko. Pumikit ako bigla dahil narinig ko ang doorknob na senyales na may papasok.

" Misis buti at ganun lng ang nangyari sa kanya kung mauulit pa to baka mawala na sainyo ang anak nyo dahil hindi ho natin malalaman kung ano ang susunod na mangyayari baka heart attack na sumunod. Kamusta na ba yung paghahanap nyo para sa transplant at mapalitan na yung puso nya? "

" doc wala pa din pong progress mahirap makahanap ng ka match nya pero po lahat ng pwede namin magawa mapatagal lang po buhay ng anak namin " kay dad ang boses na yun

" sa ngayon antayin lang natin sya magkamalay at manalangin tayo sa maykapal dahil sa huli sya pa din ang makakagawa ng milagro para gumaling na ang anak nyo. "

" opo doc. Salamat po " sabi ni mommy

" osya mauna muna ako may pasyente pa akong pupuntahan " sabi ni Doc at umalis na

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now