My Closet Queen ( Chapter 57 )

9.6K 144 5
                                    

Chapter57



<> Sam <>


Madami kami niluto ni kuya Joey kaya dito muna ako sa duyan para magpahinga, ang sarap ng

hangin at malamig pa kaya sobrang nakakarelax.

" oi tara na sa loob ng masimulan na " napatingin ako kung sino si ate Georgee pala

" eto na, sunod ako " sabi ko at tumayo na ako


Pag pasok ko nakita ko kausap ni Antonio si Jess, kaya tumabi ako sa kanila hindi ako nagsasalita

pinapakinggan ko lang yung pinag uusapan nila. At ayun nagmamayabang nanaman si Antonio

kung ano ano pinag kwe-kwento kay Jess, si Jess nakikinig lang nayayabangan na siguro sya pero

hindi nya pinapahalata. Dumating na yung iba naming pinsan kaya natigil si Antonio sa pag

kwekwento.

" oh simulan na to " sabi ni kuya Joey na hawak yung bote ng alak.



" oh aakyat na kami wag masyado magwala ah " sabi ni Papa


Pano sila lang ang pinakamatanda dito yung mga tito at tita ko wala pa nasa mga business trip pa

nila kaya puro mga pinsan ko lang nandito.

" opo " sabay sabay namin sabi



Pumunta na kami sa sala at dun kami para kasya kaming lahat at dun pwede mag videoke eto lagi

pinagkakaabalahan ng family namin pag andito ang mag videoke.

" oh yung mga boses na pang mahal na araw ihanda na ah " pabirong sabi ni Samuel

" ehem! " bulong ko kay Jess

" yabang mo " sabi nya at palo sa braso ko. Tumawa naman ako cute neto


Nagsimula na kami at sinimulan na din ni Ate Diana yung pagkanta sobrang ganda ng boses ni

Ate diana kaya lagi yan nangunguna sa pagkanta.


Mga 3am na kami natapos dahil ubos na yung alak namin at lasing na lahat, iniwanan pa nga kami

ng iba kaya nagpasya na din matulog. Pero si kuya Joey at Antonio nagtatalo pa sila na kung ano

ano, paglasing na talaga si kuya Joey mahilig makipagtalo yan eh si Antonio ayaw din nyan

nagpapatalo kaya ayun iniwan namin silang dalawa pano hindi magpapapigil yang dalawa na yan.

" Sam nagtatalo pa yung dalawa mong pinsan iiwan ba natin " sabi ni Jess na pipikit pikit na din sa lasing


" hayaan mo sila malaki na yan mga yan, lasing kana kaya magpahinga ka na " sabi ko at inalalayan ko sya umakyat


Pinauna ko na si Jess sa banyo para makapag palit at maghilamos na din. Bumaba muna ako

para mag ayos ng ginamit at pinagkalatan. Dahil walang nagkusa nakakahiya naman sa mga

maid kung maabutan na ganito. Nang matapos na ako mag ayos umakyat na din ako at nakita

kong tulog na si Jess nagpalit lang ako at naghilamos. Tumabi ako kay Jess at natulog na din

My Closet Queen (girlxgirl story)Där berättelser lever. Upptäck nu