My Closet Queen (Chapter 4)

15.3K 225 3
                                    

Chapter4

<Sam>

Maaga akong nagising, dahil may practice kami, sanay na din ako gumigising ng maaga para sa practice.

Tinignan ko agad ang cellphone ko at may mga txt ini-scan ko kung sino mga nagtxt, may txt ng mga tropa ko at ni giezel pero walang txt ni jessica.

Kaya nilapag ko nalang cellphone ko at naligo na ko. Tnxt ko si giezel na papunta na ko sknla.

Pagkarating namin sa gym andun na yung ibang teammate namin pero wala pa sila captain kaya umupo muna kami ni gie.

" bakit parang tahimik mo? Inaantok ka pa?" -giezel

" hindi." Tipid kong sagot

" bakit ka ganyan?" -giezel

Napataas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya na nagtatanong na " anong ganyan?"

"Ayusin mong yang mukha mo ang pangit mo" sabay tawa ng nakakaloko

Dumating na lahat at nagsimula ng magpractice.

Mga 12 kami natapos.

Dahil wala kami pasok nagkayayaan na mag mall kami hindi na sumama si giezel dahil wala magbabantay sa mga kapatid nya at yung nanay nya nasa province at yung tatay nya papasok pa sa trabaho.

Kaya eto kasama ko si sarah ngayon sa kotse ko yung iba magkikita kita nalang sa mall may sasakyan din naman sila.

" nakakapagod yung practice noh? " -sarah

" oo. Grabe pala magpa practice si captain"

" ganun talaga sya pag sa volleyball seryoso, pero loko-loko na yun pag tapos na ang game at practice" - sarah

Ilang minuto lang nsa mall na kami, dahil hindi naman kalayuan.

Habang nagbyabyahe kami nag uusap lang kami ni sarah, masaya sya kausap daming kwento at hindi nakaka awkward kasama sya. Nakakabiruan ko na sya.

" saya nyong dalawa ahhh, share naman dyan" sabi ni adele

" wala naman nagjojoke kasi tong si sam, daming alam na kacorny-han" sabi ni sarah habang patawa tawa pa.

" tara kain na, gutom na ko, nakakapagod magpractice" sabi ni captain

" panong hindi nakakapagod oa mo magpa practice" pabulong na sabi ni britney

" ay rachel may sinasabi oh!" Sabi ni sarah

" oo narinig ko, bubulong bulong pa naririnig naman" sabay tawa ni captain

Nakitawa nalang kami at pumunta na sa kakainan namin

" dahil may bumubulong kanina sya manlilibre ahhh." Sabi ni captain habang tumitingin sa menu

Nagtinginan lahat kami kay britney

" bakit ako? Ako ba nag aya dito?" Sabi ni britney habang nakataas ang isang kilay

" e manlilibre sana ako, eh kaso oa ako magpa practice, kaya hindi na ako manlilibre" sabi ni captain habang pailing iling sya.

Bigla naman pumunta si britney kay captain saka tumabi at kumapit sa braso nya

" rachel naman hindi ka na mabiro, alam mo naman mapagbiro ako" -britney

" bahala ka!" -captain

" dali na rachel libre mo na, minsan ka lang manlibre oh!" Sabi ni britney habang nakangiti sya na parang aso

" minsan ka dyan. Osige na mag order na kayo, nagugutom na ako" -captain

"YEHEY! Sabi naming lahat. Saka dumating na yung waiter at nag order kami.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon