My Closet Queen (Chapter 48)

9.4K 144 11
                                    

Chapter48



<> Sam <>




Pagkatapos namin manood hinatid na din ako ni Charles kila Chloe, sabi ko kasi kukunin ko pa


yung sasakyan ko kaya dun nalang, ayaw pa sana nya ko dun ihatid baka daw malagot siya kay


mama sabi ko naman sya malalagot sakin kung hindi nya ako ihahatid kaya sumunod na lang sya.


" ahmmm Sam pwede ba ikaw bukas date ko sa party ni Chloe " alangan tanong ni Charles

Ayyyy oo nga pala bukas na yung party na inayos ni Chloe, tumango nalang ako at nagpaalam

na si Charles kaya pumasok na ako kila Chloe.


" hoy busy ah " sabi ko kay Chloe na nasa veranda at may katxt

" alam mo naman pag ganitong event kailangan maganda " sabi ni Chloe

" sige na aalis na ako, kukunin ko lang yung sasakyan ko " sabi ko at humalik na ako sa pisnge nya


Pagkarating ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto medyo napagod ako pero nanood lang

naman kami ng movie siguro sa kakaisip ko kaya feeling ko pagod ako, saka sabi ng iba

pagmalungkot ka parang pagod na din yung katawan mo at isipan mo.

Nung nanonood kami kanina bigla kinuha ni Jess yung kamay ko at hinawakan ito

gusto ko talaga pero baka makita pa ng boyfriend nya, pero hinigpitan nya yung hawak

kaya pinabayaan ko nalang gusto ko din naman namiss ko talaga yung kamay nya

yung lambot ng kamay nya, yung pasma ng kamay nya joke. Hanggang sa matapos yung palabas

magkahawak lang kami ng kamay. Natulog nalang ako para hindi na ako mag isip ng mag isip





Pagising ko pumunta ako sa kwarto ni Samuel at ginising ko sya

" Samuel gising swimming tayo " sabi ko sabay talon sa kama nya

" ateeee naman eh, natutulog pa ako" sabi nya na inaantok pa yung boses

" dali na gusto ko mag swimming " sabi ko sabay kiliti sa tenga nya para magising

" ano baaaa! Hindin ko naman dala yung pool natin " inis nyang tinabig yung kamay ko


" gigising ka dyan o magiging swimming pool tong kama mo " banta ko sa kanya

Tinignan nya ako ng masama at tumayo. Pero bumalik at nirestling ako

Bwisit na to nakipagharutan pa

Nag swimming lang kami ng nag swimming ganito ako pag stress, sinasagad ko yung sarili ko

sa sport, para pagod ako at hindi napapansin yung oras.

" may problema ka ba? " tanong ni Sam ng umahon ako

" wala naman. Bakit mo natanong " sabi ko at sumubo ako ng pancake

" ganyan ka kasi dati nung nag break kayo ng boyfriend mo, parang wala ng bukas kung

mag swimming ka kanina " sabi ni Sam

" kung ayaw mo kay Charles ihinto mo na kesa pinapaasa mo yung tao " pahabol ni Samuel

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon