My Closet Queen (Chapter 51)

9.5K 131 7
                                    

Chapter51


<> Jessica <>

Yung nakaka adik yung lips ni Sam hindi ko mapigilan hindi halikan, kanina ayaw nya mag

response sa halik ko nung maalala kong naka tshirt lang sya at walang bra may naisip ako bigla

na magpaparesponse sa kanya at ayun tama nga gumanti na din sya sa halik ko. Namiss ko

talaga tong baby ko lalo na tong lips nya na nakakaadik.


Kung kanina ako ang nasa ibabaw ni Sam ngayon sya na ang pumaibabaw sakin, gumagapang

yung halik ni Sam kaninang nasa lips ko lang ngayon nasa tenga ko na pababa sa leeg ko,

napapakagat ako sa lower lip ko dahil sa ginagawang halik ni Sam. Hinawakan ko yung mukha ni

Sam at hinalikan ulit sya sa lips.

" I love you " sabi ko habang naghahalikan kami

" I love... you... Kahit may boyfriend ka pa " sabi ni Sam habang humahalik pa din sakin

Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya nilayo ko yung mukha ko sa kanya tinignan ko sya na

nagtataka ano sinasabi nya.

" What? " sabi nya


Ngumiti ako ahhh alam ko na pinagseselosan nya nga pala si Gabriel na akala nya Si Gab yung

mahal ko pa din.



"Minsan magtatanong ka muna kung sino ang mahal ko before you jump into conclusion "

" hindi kami ni Gab yung samin dati tapos na yun " sabi ko at kinurot ko yung ilong nya

" bakit nung nasa batangas tayo sumama ka sa kanya umuwi hindi ka sumabay samin " sabi nya

" kasi po sinaktan mo ko nun, nakipag break ka sakin nun " sabi ko

" eh bakit sya nandito sa bahay nyo ngayon " pag iinterogate nya

" dito sya tumutuloy " sabi ko

" bakit dito, wala ba silang bahay ? " tanong nya ulit

" meron, pero mas gusto nya ako katabi dahil wala daw ako kasama " biro ko kay Sam

Kumunot naman yung noo ni Sam kaya bigla akong natawa. Kinurot ko yung cheek nya

" Joke lang, dito ko muna sya pinatuloy dahil wala sya kasama sa kanila andun pa yung family nya sa london " paliwanag ko.


Pero tong isa hindi pa din kumbinsido parang ayaw maniwala

" baby ko wag na ganyan mukha mo hindi bagay sayo " sabi ko at minassage ko yung noo nyang nakakunot

" saka alam na ni Gab yung tungkol satin sinabi ko na sa kanya, at sinabi ko na ikaw lang ang mahal ko kaya wag na sya umasa sakin " sabi ko

Tumingin naman sya agad sakin na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko

" kaya wag ka na magseselos sa kanya ah, " sabi ko

Tumango naman sya kaya ngumiti nalang din ako.

" bhie sino nagpalit ng damit ko? " sabi nya na parang nag aalangan pa

" ako sino pa ba. " sabi ko sa kanya

Naalala ko nanaman yung biglang nahawakan ko ng hindi sinasadya yung boobs nya

" edi nakita mo na yung ano ko " sabi nya sabay akip sa boobs nya

Nakakatawa yung itsura nya nag blu-blush sya na nahihiya

" ok lang yan nakita ko na, wag ka mag alala hindi gaanong nakakaakit " biro ko

pero ang totoo sobra akong naakit pero ayaw ko lang pahalata baka sabihin nya minanyak ko pa sya kagabi


" yabang mo naman " sabi nya sabay pout

" tara na kain na tayo sa baba " aya ko sa kanya

" ng naka ganito tayo? " sabi nya

" oo, tayo lang naman ang tao dito at si Gab dahil nag day off yung mga kasambahay " sabi ko


" miske na, gusto ko ako lang nakakakita sayo ng ganito " sabi ni Sam at hinablot nya yung kamay ko at niyakap ako

" nakita na naman ako ni Gab ng nakaganito kaya ok lang " sabi ko

" magpapalit ka o ako magpapalit sayo ng damit " banta nya

" Oo na po magpapalit na, ang sungit mo " sabi ko at pumunta na ako sa cr



<> Sam <>


Pababa na kami ni Jess para kumain at andun si Gabriel sa dining table, hindi ko alam kung pano

ko sya pakikitunguhan dahil nahihiya ako sa kanya. Hawak ni Jess yung kamay ko pero bibitaw na

sana ako sa kamay nya ng malapit na kami kay Gabriel ng higpitan nya yung hawak sa kamay ko


" Good morning " bati ni Jess kay Gabriel

" good morning sainyo love birds " sabi ni Gabriel sabay tingin sa kamay namin ni Jess

Hindi ko alam gagawin ko kaya tinanggal ko nalang yung kamay ko kay Jess

Umiling si Gabriel at ngumiti

" ok lang sakin, tanggap ko na. " sabi ni Gabriel

" tara na kain na tayo, nagugutom na ako " sabi naman ni Jess

Kaya hinatak ko na yung isang upuan para kay Jess at umupo na din ako sa tabi ni Jess



Pagkatapos namin kumain umakyat lang kami ni Jess sa kwarto nya at nanood ng movie.

" bhie namiss mo ko? " tanong ko kay Jess

" hmmm ayyy oo nga pala " sabi ni Jess na parang may naalala

" nakipag break ka na diba? " sabi nya

" ha? Kailan? Hindi ahhh. " pag mamaang maangan ko

" hindi ka pa ah, " sabi nya

" tayo naman na ulit diba baby ko? " lambing ko sa kanya

" ayoko nga, pagkatapos mo ko paiyakin " sabi nya

Kala mong bata na nilagay yung kanang kamay nya sa ilalim ng kilikili nya at yung kaliwang kamay nya sa kanang kilikili.

" sorry na baby ko, please forgive me. Love you " lambing ko sa kanya

Hindi sya umiimik

" kiss nalang kita gusto mo? " sabi ko

" ayaw! " sabi nya.

" ano gusto ng baby ko? " pag aamo ko sa kanya


Nag isip sya maya-maya konti ngumiti sya


" Date ulit tayo " sabi nya

Ngumiti naman ako dahil gusto ko din yung idea nya

" kahit araw araw pa baby ko " sabi ko sabay kuha ko sa dalawang kamay nya at nilagay ko sa balikat ko, pinalupot nya naman yung may nya sa batok ko, magkatitig lang kami

" pero sa cemetery tayo magdadate " sabi ni Jess na nakangiti pa


Nagtaka naman ako kung ano yung sinasabi nya. Dahil tuwing Nov.1 hindi kami pumupunta na cemetery.

" weird mo bhie " sabi ko sa kanya at ni nose to nose ko sya

" edi wag na " sabi nya at bumitaw na sya sa pagkapit sa batok ko


" ay nagtampo nanaman baby ko, sige na po susundin na kita " sabi ko at niyakap ko sya




-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga dalawa o tatlong chapters upload ko ngayon dahil birthday ng Idol ko. Happy Birthday Rachel Anne Daquis ! :)  HAVE A LUCKY FRIDAY EVERYONE ! :)

                   ---- Redblish

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now