My Closet Queen ( Chapter 58 )

9.8K 152 7
                                    

Chapter58


<> Jessica <>


Ilang araw ko na hindi nakikita si Sam inaalagaan nya pa kasi si Lola Yolanda kaya nagpaiwan muna sya dun sa probinsya nila.

Simula na pala ng 2nd semester bukas ang bilis talaga ng araw at next week first monthsary na pala namin ni Sam ano kaya pwede gawin surprise?

" huy tulala ka dyan? "



Napatingin ako sa istorbong nakapamewang sa harapan ko.


" wala lang... namimiss ko lang si Sam " sabi ko



" ahhh gusto mo sama ka samin mamaya mag bar hopping kami para hindi ka mag mukmok dyan " sabi naman ni Gab


" diba may pasok na bukas? "


" wehh ikaw ba yan? Kaya nga mag papakasaya muna tayo, pahabol bago matapos yung sembreak " sabi ni Gab


" yabang mo, sino sino ba kasama? " tanong ko kay Gab


" sila Garry saka si Chloe "


" eh sila Giezel kasama? " tanong ko


" hindi, si Chloe lang ata "

" ahhh sige " sabi ko at umalis na ang istorbo mga ilang oras din akong nakatingin lang sa kawalan.





Dito na kami sa bar nila Chloe lumingon lingon lang ako  asan na kaya yung ibang tropa bakit kaya

wala?  tatanong ko na nga lang kay Chloe mamaya pagdating nya.

Kasama ko si Gab pati na rin sila Garry at iba netong tropa ng makita ko si Chloe na papalapit

samin.


Nung tumabi sakin si Chloe tinanong ko kung bakit wala yung iba sabi nasa mga bakasyon pa

daw, tinanong nya din kung bakit hindi ko kasama si Sam sabi ko naman nasa Pangasinan pa rin.


Speaking of Sam hindi pa pala ako nagpapaalam sa kanya na mag ba-bar ako. Mamaya na lang

siguro pagdating ko sa bahay sasabihin ko sa kanya na nag punta kami dito kila Chloe kasama

sila Gab.




" tara Jessica sayaw tayo " napatingin ako sa bumulong sakin si Garry pala yung nag aaya.


" sige maya nalang " tanggi ko wala lang ayaw ko pa sumayaw, saka nahihilo na din ako dami na din naiinom


" come on, minsan na nga lang tayo magkita " sabi ni Garry habang yung mukha nya malapit sa tenga ko


" later nalang Garry please " sabi ko sabay alis ko pano nakakainis nilapit nya pa talaga yung mukha nya sa tenga ko.

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now