My Closet Queen (Chapter 69)

5.9K 117 17
                                    

Chapter 69


"bakit ka malungkot?"

" Hindi, masaya nga ako eh "

" Kung masaya ka bakit ganyan itsura ng mukha mo saka bakit ang lalim ng iniisip mo?"

"Masaya ako kasi magiging masaya na sya."

" Teka naguluhan ata ako dun masaya ka dahil magiging masaya na sya pano? "

"Magiging masaya na sya dahil makakasama na nya yung mahal nya."

"Magkakasama na kayo?"

Umiling lang sya

"Ang gulo mo pano ka naging masaya kung hindi ikaw yung mahal nya na makakasama."

Kung kanina nakatitig lang sya sa malayo ngayon tumitig na sya sakin

"Kasi diba sabi nila, when you love someone you gotta learn to let them go,  kung mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya, kung mahal mo alamin mo kung san sya mas liligaya, hindi nya na kasi ako mahal eh iba na nag mamay ari ng puso nya, pero yung puso ko mananatili lang sa kanya."

Bigla nalang tumulo yung mga luha sa mga mata nya, hindi ko alam pero parang may connection kaming dalawa  dahil parang ang tagal tagal ko na syang kakilala.

Pinawi ko ang mga luha na dumadaloy sa pisngi nya

"Bihira lang ang katulad mo, makakahanap ka din ng katulad nya o mas pa dun."

"Siguro nga, in next life I guess"

Hindi ko alam pero bigla akong napayakap ng mahigpit sa kanya sobra akong naaawa sa nararamdaman nya parang yung sakit na nararamdaman nya nararamdamn ko din, parang may naaalala ako sa yakap nya, familiar sya.

Hihiwalay sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero pinigilan nya ako hindi sya nagsalita pero hinigpitan nya pa lalo yung akap sakin senyales na pag pigil nya na wag akong kumalas sa pagkakayakap namin. Yumakap na din ako sa kanya para kahit papano mabawasan yung nararamdaman nyang sakit dahil sa pinagdadaanan nya eto na din siguro yung way kahit man lang papano makatulong ako sa kanya

Mga ilang minuto kaming magkayakap lang sa isat isa hanggang sa may binulong sya sakin

"Its time my princess"

Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ko sya ng nagtataka sa binulong nya sakin. Bakit nya ako tinawag na princess may naalala ako tumatawag sakin ng ganun

" I love you so much this is the least I can do to make you happy. Can you do me a favor?"

Hindi ko alam yung mga pinagsasabi nya naguguluhan ako, oo parang connected kami sa isat isa pero hindi ko matandaan kung sino sya, the way he hug me familiar talaga and then he called me princess sino ba talaga sya?

" Please??"

Naguguluhan ako pero wala akong nagawa kundi umoo sa kung ano man favor ang gusto nya.

" Please, take good care of my heart. I love you goodbye my princess Happy Birthday!"

Lumapit sya sakin at hinalikan nya ako sa noo kahit naguguluhan ako maraming tanong sa isip ko pumikit nalang ako at sobrang ramdam ko yung pagmamahal nya sakin, nawala yung dampi ng labi nya sa mga noo ko kaya minulat ko na yung mga mata ko pero wala na sya nilibot ko yung paningin ko pero tanging mga puti nalang nakikita ko

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon