My Closet Queen (Chapter 2)

20K 296 7
                                    


Chapter2

< Sam>

Dito ako ngayon sa gym ng school namin mag ttry-out ako sa volleyball, malapit na kasi yung sport fest ng IABF kaya nagpapatry-out na sila. Madami dami din ang nagttry out. Kasama ko pala c giezel mag try-out parehas kami player ng volleyball nung highschool kami lagi kami teammate kaya parang kapatid ko na talaga yan. Sana makuha kami pareho para hanggang dito teammate pa din kami. Natapos na kami maglaro at hinati yun grupo, una ako tinawag at pinapunta ako sa right side. Apat na kami na sa right side hindi pa din natatawag si giezel lima lang tatanggapin sana makuha sya.

" miss Cipriano please go to the right side." Sabi ng team captain

Sobra akong natuwa sa sinabi ng team captain alam ko makakasama ko si giezel sa team galing kaya nyan maglaro. Kaya nung nagpunta na si giezel sa side namin nagtatalon kami habang magkayakap magkakakampi nanaman kami.

" okay girls, lahat ng nasa left side ay ang hindi natanggap, pero hindi ibig sabihin nun hindi kayo magagaling, actually nahirapan kami pumili pero next year pwede naman ulit kayo magtry out at sumali sa team. Siguro hindi pa to ang takdang panahon. At kayong nasa right side ay hindi din napili." sabi nung team captain

Sabay nagtawanan nung nasa left side, pati na rin yung team captain nakitawa sabay tahimik.

"Joke lang syempre, kayong nasa right side ang babalik sa saturday morning same place same time for the practice. from now on kayo na ang isa JPIA players" sabay ngiti nya samin at nagpalakpakan yung mga kasama nya.

" I'm rachel martin your team captain and this is Adele, Britney, Miley, and Sarah magiging teammate nyo na din." Pakilala ng team captain namin at sa mga kasama nya kanina pa.

" tara girls sabay sabay na tayong mag breakfast ng magkakilanlan tayo." Sabi ni britney at nagpalit na kami.

Dahil may klase pa kami ni giezel pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami sa kanila, at pumayag naman sila. Habang kumakain kami kanina hindi ko alam bakit tingin ng tingin sakin si Sarah pinabayaan ko nalang baka kasi gusto nya lang makipag kaibigan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dito ako sa classroom ko ngayon at katabi ko si giezel, pag wala si giezel si Jessica lagi kong katabi.
Sa lahat pala ng subject ko kaklase ko si jessica natawa nga kami parehas ni jessica kasi nung hindi pa namin alam na parehas kami ng sched magugulat nalang kami na andun kami sa iisang classroom sana hindi nalang kami nagbbye sa isat isa kung sa next subj makaklase din pala kami. Close na kami ni jessica lagi kasi kami magkatxt at nag uusap kami sa skype twing gabi. Minsan pag wala ako magawa kinukulit ko sya sa wechat mag ssend ako ng voice msg

"knock knock"

"Who's there.?"

"Pussycat"

"Pussycat who?"

" mag pussycat, mag pussycat. Dito sa showtime tayo lahat ay pussycat. "

Tawa sya ng tawa. Ang corny ko daw. Pero tawa sya ng tawa.

Nagulat nalang ako ng biglang may bumatok sakin pag lingon ko si giezel pala tinignan ko sya ng masama nakapamewang pa sya.

" bakit ba? Ang sakit nun ahhhh! " sabi ko habang hinihimas ko yung binatukan nya sakin

"OA mo naman ang hina lang nun, saka kanina ka pa dyan tulala ano nangyari sayo?"'-giezel

" wala, may naisip lang"

" ano naman yun? Sabay tabi nya sakin na interesadong malaman kung anu iniisip ko

" wala " sabay talikod ko sa kanya para kunwari galit ako

" arte ahhh. Naglilihim ka na sakin. Ganyan ka na"

Hindi ako umimik para kunwari galit ako

" honey naman ehhhh ano iniisip mo? Mag share ka naman" pagpilit nya habang kinakalabit ako

Pagtingin ko sa kanan kong side andun pala si jessica nakatingin sya samin bigla syang ngumiti sabay biglang lungkot ng mata nya.

Tumigil na sa pangungulit si giezel dahil dumating ng yung prof namin. At itong katabi ko seryosong nakikinig sa prof namin ako tinatamad ako makinig kaya pasimple ko nilabas yung cellphone ko at nagtxt ako

" eh bakit malungkot?"

Maya maya nagvibrate cellphone ko

" malungkot ka dyan, hindi ahhh" reply ni jessica

Nakita ko kasi sya pag nililingon ko sya naka sad face sya lagi, bakit kaya? Malalaman ko din yan konting kulit lang.

" wehhh? Bakit pag tumitingin ako sayo ganito mukha mo :( ?"

Nagvibrate ulit cp ko, bilis magreply ahh hindi din ba nya trip makinig sa prof namin?

" tingin ka ulit baka mali lang nakita mo kanina."

Pagkabasa ko nun sabay tingin ko nga sa kanya, nagulat ako kasi nakatingin na sya sakin at nakangiti. Yung ngiting nakakatunaw. Ngumiti ako sa kanya at nagtitigan lang kami ng ilang minuto na yung mata lang namin ang nag uusap.

Nagulat ako ng siniko ako ni giezel kaya humarap na ulit ako sa prof namin na kanina pa nagsasalita

Nagvibrate cellphone ko pag tingin ko si jessica

" oh ano? Diba hindi ganito nakita mo :( hahaha"

" whatever weirdo! Hahaha. Sabay ka mag lunch samin mamaya?"

" I can't " reply nya

" why ? "

" gusto ko tayong dalawa lang. Hahaha " -jessica

Napangiti ako nang aaning nanaman to.

Ganito kami ni jessica laging naglalandian pero wala naman samin to parang bestfriend na din daw kami kaya walang ilangan.

" hahahaha selfish mo ah, ayaw mo ko ibigay sa iba I like that! "

" sayo lang naman ako nagiging selfish. " - jessica

" hahaha gutom lang yan. Dali na sabay ka na samin, kasama namin ibang friends namin. "

" next time nalang. May appointment ako ngayon eh." -jessica

" sabi mo yan ahhh? "

" opo :) "

Bago pa ko makapag reply nag dismiss na yung prof at nagtayuan na yung classmate namin pati si giezel kaya nag beso nalang ako kay jessica at umalis na.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon