I remembered some hints. A few pictures of the accident.

Napadilat ako bigla, at sinagi ko ng daliri ang kamay ni Mama. Tumingin naman siya sakin, at sinubukan kong magsalita nang dahan-dahan. First try, walang boses na lumabas sa bibig ko—nanunuyo yata ang lalamunan ko. Second try, I managed to ask:

“Si Darla?” halos bulong na lang.

Being a weak person, lying on a hospital bed, unable to move his body freely, and worried about his girlfriend… I cried.

 

Pagkabanggit ko sa pangalan niya, automatic nang bumaba yung luha sa gilid ng mata ko. Na parang kanina pa siya nakaabang—kahit noong nakapikit pa ko. Hindi ako narinig ni Mama, at kailangan niya pang ilapit ang mukha niya sa bibig ko. Kumunot pa ang noo niya dahil sa nakita niya sa mata ko.

I realized I missed her so much. I missed being near to my Mom. I almost missed my life.

“Ha?”

“Dar… la…”

Napatingin siya kina Peter na nakatayo sa bandang paanan ko, kasama si Ully at Nina. Kailan pa sila nandito? Kailan pa nila nalaman ‘to? At ilang araw na ba akong tulog?

Wala akong maalala, maliban sa huling nakita ko nung gabing kasama ko siya—bago ang aksidente. Yun lang.

“Darla daw?” tanong ni Mama kina Peter, at huminga ulit ako.

Nagtinginan lang sila. Walang sumagot. I squeezed her hand again, to let her know I need an answer. Even a vague respond.

“We’re hoping she’s doing good, okay?” narinig kong may nagsalita sa kabilang gilid ko at naaninag ko ang mukha ni Tita Via.

And another wave of tears rolled down. Why can’t I fucking stop them? Am I that weak?

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon