Pang limang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang gulo mo naman eh !"

"Hoy ! Tumigil nga kayo sa pag aaway. Daig niyo pa ang mag-asawa."

Awat sa amin ni Champ. Kanina pa kasi kami nag babangayan ni Broody. Mali-mali kasi ang ginagawa niya kaya naligaw kami isang beses.

"Ang gulo kasi mag navigate nito." sabi ni Broody pagka park sa tapat ng bahay.

Inirapan ko lang siya at bumaba na din. Kasama namin si Catherine, Emily at Champ. Kinuha muna namin ang mga bag namin. Sinabit ko sa braso ko ang palaso.

Maganda ang bahay. Malaki at mukhang tahimik. Hindi mo iisipin na may nangyayari nang labanan sa kabilang parte ng lugar na ito kung ganito kaayos ang makikita mong bahay.

Nag lakad kami hanggang sa may pintuan. Nabawi ang tuwa ko sa bahay ng may makita ako sa sahig. Mga patak ng dugo. Papasok ito sa loob. Hindi ko maimagine ang itsura ni Chichay. Hindi ko maisip ang sakit na nararamdaman niya habang inaakay siyang papasok ni Enrique at Daniel sa loob.

"uhhh. May nakatira ba dito?" tanung ni Champ. Hinampas ko siya.

"Malamang meron. Sa tingin mo ba yung babaeng naka sakay sa kabayo lang ang nandito?"

"Edi mag dodoorbell tayo?" dagdag ni Catherine.

Wala talaga kaming ideya kung anu ang dapat gawin. May napansin akong gumalaw sa gilid ng mata ko kaya napalingon ako. Sakto nag salita siya.

"Iniharang niyo ba ulit yung kahoy na gate?"

Nagulat sila sa tanung niya maliban sa akin dahil nakita ko na siya. Hinawakan ko ang baril sa aking holster. I don't want to take any chances.

"Y-yes mam..." sagot ni Champ. "Sinarado din namin tulad nung pagkaka sara niyo..." ramdam ko ang pagkakahiya niya.

Lumapit na sa amin ang babae. Nakita ko na nang mas malinaw ang mukha niya. Maganda siya kahit halatang stress. May halong berde ang kaniyang mabibilog na mata. Matangos ang ilong at maputi ang balat. Nginitian niya kami.

"I'm Minnie Castro." pakilala niya sa amin. Nag pakilala kami isa-isa.

"May dala din kaming gamot. Para kay Kathryn at kay Lucas, yung lalaking sinundo mo." sabi ko sa kaniya. Kinalabit ko si Champ dahil tulala siya kay Minnie. Agad niyang ibinaba ang bag niya at kinuha ang isang platik ng gamot. Ibinigay niya ito kay Minnie.

"Pasok kayo. Ipagluluto namin kayo..." binuksan niya ang pintuan at pumasok kami.

Dinala niya kami sa itaas na parte ng bahay nila. Inilapag namin sa isang kwarto ang mga gamit namin. Sa sumunod na kwarto ay pumasok kami.

Bumungad sa akin ang katawan ni Kathryn na naka higa sa kama. May matandang nakatayo sa gilid niya. Mukhang kakatapos lang nilang mag lipat ng dugo sa kaniya. Kung hindi dahil sa pagbaba at taas ng dibdib niya, iisipin ko na wala na talaga siya. Na aawa ako sa kalagayan niya.

Tumingin ako kay Enrique na naka hawak sa kamay ni Kathryn. Dahan-dahan niyan iniangat ang ulo at nang magtama ang mga mata namin, agad niya akong inatake ng mahigpit na yakap.

Sakop ng buong braso niya ang bewang ko. Nakalubog sa leeg ko ang mukha niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya.

"It's okay. We're here now..." hinimas ko ang ulo niya. Nakita ko si Julia. Namamaga ang mata nito. Yumakap siya kila Emily at Broody at Champ. Si Enrique ay nananatili sa akin.

"Nag dala sila ng gamit na para kay Kathryn." sabi ni Minnie pagka hiwalay namin ni Enrique.

"Salamat !" yumakap siya ulit sa akin at hinalikan ako sa noo.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon