♥Chapter 24♥: Part Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok ako dun na hindi niya nalalaman at tinignan ko yung picture frame na halos hindi na masyadong makita yung mukha nung tao dun.

Pero bagkas sa mga ibang parte na kamukha ko nga siya. Asan ka na ba? Baka naman patay na to ha, nako wag mo naman sana akong multuhin at sabihin na inaagaw ko sayo ang Jongin mo.

Pagkasabi ko nun biglang may naramdaman akong hangin sa likod ko. SHIT!! Lumabas ako agad sa kwartong yun at dali daling bumaba.

Naabutan ko naman si Jongin na nanalamin.

“Oh anong ginagawa mo diyan sa salamin?” halos mabasag na yung salamin sa kakapose niya kanina pa.

“Wala, ang gwapo ko lang talaga.” … Like seriously?

“No comment.” Sabi ko sabay deretso dun sa pintuan.

“Oh san ka pupunta?” bigla naman siyang humarang sa dadaanan ko.

“Makikipag meet lang po sa bestfriend ko po dahil matagal narin kaming hindi nagkikita. Hindi naman po masamang magreunion kasama niya ano po?” tinangal ko ang kamay niya na hawak hawak ang doorknob at umalis.

“Bumalik ka kaagad ha! 4:30 dapat andito ka na!” wow sino ka nanay ko? Gara makautos ah.

“Okay po!” para wala ng satsat.

Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan kung anong time na, 2:00. Parating na yu-

Hala ba’t ang dilim?

“Hulaan mo kung sino ako~.” Hinananap ko kung nasan yung ulo ng taong to at hinawakan yung tenga niya.

“Chanyeol?” biro kong tono.

“Tsk, pasalamat ka ako lang may tenga na ganto.” Sabi niya sabay upo.

Nginitian ko siya at nag-usap kami.

“Inlove ata ako…”

“Ha?! Psh, ikaw inlove? Not in a million years.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Love Slave♥ (Kaisoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon