Beynte-siyete

4.8K 21 0
                                    

Bago ako naligo para pumasok sa Xpose Bar, tinawagan ko muna si Paulo. "Kumusta na?''

"Mabuti naman, Hector. Ikaw?"

"Ayos lang! Kumusta si Lianne? Ano'ng balita?"

"Ayun... naghahanap pa rin ng trabaho. Natuwa siya sa perang ipinahiram ko kunwari. Makakatulong daw 'yon nang malaki."

"Ah, mabuti kung gano'n... Sige, salamat! Baka nakakaistorbo ako sa 'yo."

''Hindi naman. Okay lang. "

"Sige na... Pasok na ako. Thanks uli! Text mo lang ako kung may kailangan pa ang kaibigan mo... na mahal ko na."

Napahagalpak si Paulo. "Ang taray ng statement mo! Panalo! Kinabog ako do'n, ah. Ang haba talaga ng hair ng friendship ko!"

Mas natawa ako sa mga sinabi niya. "Puwede ko kaya siyang ligawan?"

"Oo naman! Since, first year college kami, hindi na siya nag-jowa."

"Bakit?"

"Niloko ng BF niya... Nadala! Wala na kayang tiwala 'yon sa mga lalaki. Mabuti nga babae na ako."

Ako naman ang natawa. "Hayaan mo, ipaparamdam at ipapakita ko sa kanya... na hindi lahat ng lalaki ay manloloko."

"Taray ulit!"

"Oo! Maganda ang intensiyon ko sa kaibigan mo. Sana matulungan mo ako."

"Dapat lang, 'noh! Kung hindi..."

"Kung hindi, ano?"

"Kung hindi... sa akin ka babagsak. Joke!"

Natawa uli ako. "O, sige na... Mali-late na ako. Bye na."

"Sige na nga, Baboosh. Ingat ka!"

Alas-singko bente-siyete na. Nagmadali akong lumabas ng bahay.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon