Pota, one week lang ‘yon. Saka, mas maganda yon para mamiss mo lalo. Mas intense.

To: St. Peter

Ully, ikaw ba yan? Galit siya sakin.

From: St. Peter

Baka kay Nina?

To: St. Peter

Ewan ko. Ayoko namang umalis nang ganon siya. Baka pag-uwi ko, ibreak niya ko.

From: St. Peter

Wow. Ngayon lang kita nakitang natatakot sa break up! Parang dati lang wala kang paki don ah. Kulang na nga lang magpa-party ka kapag nakipagbreak.

To: St. Peter

Hindi ako takot sa break up. .i.
Takot akong mawala siya sakin. (Boom panes, Pete! Wala ka don)

From: St. Peter

Pasensya na, pero hindi ako si Papa Jack. Itulog mo yan, baliw.

Natawa lang ako nang konti—dahil inaantok na ko—at tinabi na ang phone sa lalagyan kanina. Humingang malalim, at pumikit.

***

Pagkagising ko, pinakuha ko na sa maid ang isang maleta, at nagimpake ako ng T-shirts, pants, underwears, at kung ano pang kailangan. Hindi naman ako excited, pero maaga kasi bukas ang flight, at mas maganda kung hindi ako ngarag kinabukasan.

Isa pa, bibisita ako kay Catacuts mamayang hapon. Hindi niya alam, pero sana nandoon siya.

Pagkatapos ng lunch, umakyat ako sa kwarto para mag-shower. Habang nararamdaman ko ang buhos ng tubig sa balat ko, naalala ko yung time na nag-trespass si Catacuts sa kwarto ko. Sa totoo lang, kinilabutan ako no’n. Putek, ikaw ba naman, bigla may susulpot na babae sa kwarto mo. Pero nung na-adjust ko na ang mata ko, medyo natuwa ako kasi si Catacuts ‘yon.

And that was the memorable thing I’ve had with her. Syempre, sumunod do’n yung sa Tagaytay, pero ang pagkakaiba nila, sa Tagaytay, hindi yun makakalimutan; pero yung nangyari samin, yun ang bagay na laging maaalala.

Ang ibig sabihin, yun Tagaytay trip namin, pwedeng hindi ko maisip ngayon, o bukas, o sa susunod na araw, pero pag may nagtanong kung pumunta ako, yung araw na ‘yon ang papasok sa utak ko.

At yung sa nangyari samin sa Recreation Room, kahit walang magpaalala, kahit walang magtatanong, kahit wala na kami, o kahit sa pagtanda ko, maalala ko yon. Thinking of it everyday, is like warning myself not to forget wearing brief.

Almost four o’clock na rin ako nakarating sa harap ng gate nina Catacuts—medyo panira sa oras ang traffic dahil sa isang car accident.

Nakadalawang doorbell ako bago ko narinig ang pagbukas ng pinto nila sa loob. Lalake ang lumabas, imbes na si Darla.

Matangkad na lalake, moreno, mas maikli ang buhok sa kin, at naka-jersey shirt at pants lang siya. Hindi ko siya kilala. No’ng una, gusto kong itanong kung anong ginagawa niya sa bahay nila Darla, pero ang ginawa ko, tinignan ko ang gate—baka kasi ibang bahay pala ‘to.

She's My Sweetest DrugМесто, где живут истории. Откройте их для себя