Beynte-sais

5.1K 25 0
                                    

Grabe ang mga pangyayari sa aming tatlo nina Jake at ng babaeng misteryosa. Threesome ang gusto niya. Nakita ko rin tuloy ang husay ng kaibigan ko pagdating sa pakikipagniig sa same sex. Nakaka-carried away.

Ipinasubo ng babae ang dragon ko kay Jake. Game naman siya. Doon lang daw kasi siya maa-arouse. Saka lamang niya ako henilicopter. Siya ang gumawa. Magsabay na lang daw kami para mabuntis talaga siya.

Binayaran niya kami ni Jake ng tiglimang libong piso. Babalik daw siya 'pag nakabuo kami, for my extra payment. Suwerte! Kahit 'di na siya bumalik. Ang mahalaga ay nakatulong ako, kami ni Jake, sa problema niya. Iyon naman ang purpose ko --ang makatulong sa kapwa, para, at least, makabawi ako sa mga kasalanan ko.

Sinamahan ko si Jake sa boarding house nila. Magagalit daw kasi sa kanya ang girlfriend, na ka-live-in na niya ngayon.

Sa isang squatter area sila nakakuha ng paupahang kuwarto. Ang hirap ng kalagayan nila. Idagdag pa ang kalagayang medikal ni Caren, ang nobya ni Jake. Namamayat ito at namumutla. Naawa ako. Kaya pala pursigido si Jake na kumita kahit ano pa ang ipagawa sa kanya. Gagawin niya ang lahat para maipagamot ang kasintahan.

Hindi na nagalit si Caren nang sinabi kong nagpatulong ako kay Jake sa paglinis ng bahay ko. Kaya para mas kapani-paniwala, inabot ko siya mismo ng P2000.

"Naku, Kuya, ang laki naman ng ibinayad mo kay Jake," sabi ni Caren.

"Tama lang 'yan! Mabigat ang ginawa ni Jake. Idagdag mo na sa pambili mo ng gamot."

"Salamat, Kuya!Hindi ko na talaga ito tatanggihan."

Nakauwi ako sa bahay ko ng bandang alas-nuwebe. Tinawagan ko muna si Lianne. Kinumusta ko muna siya. Nag-a-apply na raw siya, kaya hindi raw siya maka-reply sa mga text ko.

"Kelan ka ba free? Treat sana kita... Sumahod na kasi ako," tanong ko.

"Naku, hindi ko alam... Laging busy sa school at sa pagjo-job-hunting. Maybe next time."

"Ah, sige. "

"Okay!"

"I miss you."

"What? Hello, ano'ng sabi mo?"

"I miss you."

"Hmm. Ayoko ng gan'yan, Hector... Kakakilala pa lang natin. Hindi mo pa ako kilala."

"Handa akong kilalanin ka..."

Pinatay na niya ang cellphone niya.

Hijo De PutaWhere stories live. Discover now