Chapter 29: Eagle

Start from the beginning
                                    

Pero bakit parang ang hirap? Paano kung nahuli ako? Ano'ng mangyayari kay ate Lexa? If I'll succeed, how will I get Ate out of here?

Kailangan ko pang makausap yung mga kakarating, tama si Agnes, parang hindi talaga pakikipagtulungan kay Uno ang pakay nila. May kinalaman kaya sina kuya Bryce sa pagpunta nung dalawa dito? Baka naiinip na sila sa akin kaya nag-utos sila ng iba na gagawa sa mission ko.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Dalawang oras na mula nung dumating ang mga bisita ni Uno, tahimik na sa loob ng bahay, kumain na kaya si ate?

Gusto ko nang bumalik lahat sa dati. Babalik pa ba ang lahat sa dati?

Nagulat ako saglit nung nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko't tinignan kung sino yung nagtext. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang pangalan ni kuya Kurt. Dali kong binasa ang text niya.

"Bunso, kumusta ang ate mo? Kumakain ba siya ng husto?" –kuya Kurt

Nilunok ko ang namumuong iyak ko, eto na naman ako, nagiging mahina na naman ako. Mabilis kong pinindot ang reply at itinype ang 'opo', pero nagdalawang isip akong isend yun. Huminga ako ng malalim at ipinindot yung send button.

Wala pang limang Segundo, nagreply siya ng 'okay'.

Gumaan ang loob ko, itinext ako ni kuya Kurt. Pero hindi niya ako kinumusta, galit ba siya sa akin?

Nagvibrate uli ang phone ko't dali kong tinignan yung text.

"Hide the Eagle, hunters are coming in 3" – kuya Kurt.

Kumabog ng mabilis yung dibdib ko't nanginig ang mga kamay ko. Bakit sila aatake?? Hindi ba nila alam kung gaano kadelikado iyon?!

Agad akong nagsapatos, I secured my gun in my back and grabbed the knife. Agad akong lumabas sa kwarto at muntik na kaming magkabanggaan ni Le. Ngumiti siya at itinaas ang kamay na parang may hinihingi. Hindi ko agad naintindihan ang gusto niyang hingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Akin na yung knife" utos niya, nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ko ng maigi yung knife at baril ko, napansin niya yun pero imbes na magulat, ngumiti siya lalo at tumawa ng konti, "Sabi ni Kurt naglalaway ka raw matulog" sabi niya, lalo pa akong nagtaka, bakit sinabi ni kuya Kurt yun sa kanya, "Just trust me kid, I mean no harm. Just save the Eagle and let us do the rest".

I trusted her right away. Alam kong kakampi sila, hindi basta basta nagkekwento si kuya Kurt sa kung sino unless pinagkakatiwalaan niya. Ibinigay ko sa kanya yung knife, she thanked me at tumalikod saka tinungo ang control room. Gusto ko siyang sundan but my gut is telling me to go to ate Allexa first so I did.

Hindi na ako kumatok, binuksan ko ng dahan dahan yung pinto and saw ate sitting on the edge of the bed, reading. She looked at me with confused look.

"Yes?" nagtataka niyang tanong. Isinara ko yung pinto at nilapitan siya.

"Ate, do you trust me?" I asked, napansin kong nagsisimula na siyang magtaka at kabahan. I think she knows what is going to happen next.

It's happening.

"Of course!" she answered with huge eyes staring at me.

"Ate, we will move slowly, so please, please stay calm"

"Y-yes, okay, okay" she said as she stood up slowly and started grabbing a book, "pwede ko tong dalhin? Hindi ko pa tapos eh" she asked.

I wanted to laugh kasi she's not joking, she looks so worried about not finishing the book so I just nodded, she hugged the book with her left hand and took my hand with the other.

"Paano yung CCTV?" she asked as we approached the door.

"Nasa control room na sina Le—"

"Le! Of course!" biglang sigaw niya saka agad tinakpan ang bunganga, mabuti nalang hindi ko pa binuksan yung pinto, ibinaba yung kamay niya at nagsalita uli, "'si Ivo yung parang rakista 'di ba? Mga taga North sila 'di ba?" excited na tanong niya.

"O-opo" I answered, I peeked outside, the coast is clear, "tara na" utos ko kay ate. We slowly went out while being cautious with our surroundings. Nagtataka ako dahil bakit parang walang tao sa isle.

"Tulog ba silang lahat?" asked ate in a whispery voice.

"Uhh, siguro?" sagot ko. Wala ding tao sa sala, pati sa kitchen. Where the heck is everybody? It's not that I'm complaining, nakakapagtaka lang talaga.

Dumaan kami sa back door, honestly, hindi ko alam kung bakit kami dumaan doon at kung may naghihintay bang sasakyan para sa amin. Wala akong scape plan. Wala ding silbi yung App dahil wala kaming sasakyan.

"What now?" asked ate while we looked outside, wala akong makita ni isang sasakyan kaya kinabahan ako. I'm being careless!

"Pssst!" tinutukan ko ng baril kung saan nanggaling yung sound, to our left, pero walang tao roon, hinahanap din ni ate kung saan nanggaling yung sound.

"Jusko Allen, minumulto ba tayo?" tanong ni ate na kumapit sa free hand ko.

"Psst!" there it is again! Same place pero walang tao!

"Len! Di mo talaga kami makikita dahil mga ninja kami, lapit! Dali!" said a voice.

Pinakawalan ko ang kanina ko pa pinipigilan na hinga ko dahil alam ko kung kaninong boses iyun.

"Kalbo? Ikaw ba yan?" tanong ni ate.

"Dali na!" utos ni kuya Kalbo at agad kaming lumapit.

"OMG!" pabulong na sigaw ni ate Lexa nung nakita namin sina kuya Kalbo na nakadikit sa pader malapit sa isang tinted na van, "nagsuot talaga kayo ng ninja costume!".

"No time to talk!" sabi ni kuya Etong at hinila niya sa kamay si ate Lexa at akmang tutulungan si ate Lexa sa pag akyat sa delivery truck ng poultry pero nagpumiglas si ate.

"Wait!" sabi niya at binitawan siya nina kuya, "pwede bang balikan muna natin yung ibang books sa kwarto?"

"Antagal!" reklamo ni kuya Kalbo at pinagtulungan nilang itinulakt si ate Lexa sa van, nagulat ako sa ginawa nila pero wala akong nadining na pagbagsak at pagreklamo ni ate kaya dali akong lumapit at sumilip sa loob.

I stepped back a little, she's really safe.

She's really safe.

-=-=-=-=-=-=-




PM me for questions^^

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now