Chapter 3: Local News

9.7K 355 75
                                    

Allexa's POV

"Fiance? Agad agad?" tanong ni Nathaniel, nilapitan namin yung lalake't pinalibutan namin siya.

"G-guys teka lang.." sabi ni Ma'am Maureen pero tinaasan parin namin ng noo yung lalake habang naglalakad ng palibot sa kanya.

"Sino ka at ano'ng kailangan mo kay ma'am Maureen?" unang tanong ni Jason.

"May masama ka bang binabalak sa kanya?" tanong ni Allen.

"Financially secured ka ba? Kaya mo ba siyang buhayin?" tanong ko.

"Ano'ng perfume ang gamit mo?" tanong ni Nathaniel kaya agad ko siyang siniko para ayusin yung tanong niya, "I mean cologne, ano'ng cologne ang gamit mo?" ulit niya sabay thumbs up sa akin na parang tinatanong niyang, 'okay na?' kaya naman napapikit nalang ako at huminga ng malalim.

"Tigilan niyo nga siya." Utos ni ma'am Maureen sabay punta sa tabi nung lalake, "Meet Miguel, college friend ko siya dati and now my fiancé." Tumingin siya kay Miguel, "Mga dati ko silang students, yung mga kinekwento ko sa'yo?"

"Ahh, the deliquents?" tanong nung si Miguel at tinignan namin ng masama si ma'am Maureen.

"Deliquents na mababait at masisipag mag-aral, hehe" dagdag agad ni ma'am pero nung napansin niyang hindi kami naniniwala, umayos siya ng tayo at hinila si fiancé niya, "Sige next time nalang tayo magkwentuhan mga bata, nagmamadali kasi kami" dali niyang sabi habang hinihila si sir slash kuya Miguel. Pinanood lang namin silang umalis pero hinarang sila nina Bryce at Kurt.

"Saan kayo pupunta ma'am?" tanong ni Kurt na nakangiti.

"Hi Kurt! Andito rin pala kayo! May.. may bibilhin pa kami sa kabilang shop eh" sagot ni ma'am.

"Hindi ba pwedeng mamaya nalang?" tanong ni Bryce.

"Mukang tatakbuhan ata tayo pare, bakit kaya?" tanong ni Kurt at pinanliitan nila ng tingin si ma'am. Nataranta saglit si ma'am pero agad siyang naka-recover at itinaas ang noo niya.

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong mas nauna akong ipinanganak kesa sa inyo!? Mas madaming butil ng bigas ang kinain ko kaya tumabi kayo at dadaan ang dyosa!" sigaw niya. Nagulat na sina Kurt at Bryce pagkasigaw palang ni ma'am ng 'hoy' kaya agad silang tumabi at padabog na umalis si ma'am Maureen hilahila ang natatawa niyang fiancé.

Umiling nalang kami sabay sabi ng 'tsk tsk tsk' habang pinanood yung dalawang mag-fiance na magdisappear sa isang isle at nilapitan kami nina Kurt at Bryce.

"Hindi parin talaga siya nagbabago" said Jason.

"Hindi ah, nagbago na kaya siya, haliparot na siya ngayon, haha!" sabi ni Nathaniel.

"Ano'ng sinabi mo!!!??" dinig naming sigaw na nag-echo pa talaga sa buong grocery.

"Imposibleng narinig niya yun!?" takot na sabi ni Nathaniel at nakaramdam kami ng parang may tumatakbo palapit sa amin kaya tumingin kami sa isle na dinaanan nina ma'am Maureen kanina.

"Ahh!" sigaw namin nung biglang lumitaw sa pinaka-end  ng isle si ma'am Maureen at ang sama sama ng tingin niya sa amin.

"Lagot kayoooo!!" sigaw niya kaya tumili kami nina Nathaniel at Allen saka kung saan saan na kami tumungo, mabuti nalang nahila agad ako ni Bryce kaya siya ang kasama ko sa pagtakbo.


"ANG SAKIT talaga mamingot ni ma'am" reklamo ni Nathaniel habang hawak hawak ang tenga niyang namumula.

"Akala ko nga matatanggal na itong tenga ko eh" sabi ni Jason, "Ikaw kasi! Kung ano ano'ng pinagsasabi mo! Nadamay tuloy ako."

Me and My Boys VOLUME 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon