Chapter 26: Greenhouse

5.8K 246 40
                                    

A/N: Thank you for the 1M reads in book 1 Chowdies! Love lots!^^*

————-
          
Allexa's POV

I was in the middle of reading my second book when someone knocked on the door, the door opened and Allen peeked. He looked better than yesterday, pero hindi parin siya ngumingiti.

"Baka gusto mong maglakad lakad sa labas?" he asked. Hindi parin niya ako tinatawag na ate kahit binigyan ko siya ng permission.

"Sa labas? As in sa labas ng kwarto o sa labas ng bahay?" I asked, medyo na-excite ako sa idea na makakalabas ako sa kwartong ito, kahit konting minutes lang.

"May garden sa likod" sabi niya. I stood up immediately and fixed my clothes, courtesy of him.

"Pero, hindi ba magagalit si Uno?" tanong ko, still standing beside my bed.

"Wala siya, kaya labas na bago pa siya dumating" gusto kong magreklamo sa tono ng boses niya pero hindi ko ginawa, baka hindi niya ako palabasin eh.

"Eh yung mga ibang tao dito?"

"Ako na ang bahala" sabi niya. He opened the door widely to give me space. I smiled a little saka ako lumapit sa kanya. He stepped aside na parang iniiwasan niyang magkalapit kami ng kahit 2 feet lang.

We walked through the hallway full of framed old pictures, to the sala where a lot of people hanging out, tumingin sila sa amin pero konti lang, like they don't care if I will run or not. Dumaan kami sa back door at huminga ako ng malalim nung bumungad ang fresh air. I really need this.

"Oh em geeeee" sabi ko habang finifeel ang hangin. It's 10 am at mataas na ang sinag ng araw, pero hindi ko maramdaman ang init dahil sa lamig ng hangin. Puno naman kasi ng mango tree ang paligid kaya ganito nalang ka-fresh ang hangin.

"Dito tayo" Allen said and walked to a path leading to a greenhouse. Sinundan ko siya, keeping 1 meter away from him.

"Salamat sa pagpalabas mo sa akin, I really need fresh air" sabi ko, he looked the other way, "kailan mo pa pina-pierce yang ear mo?" I asked at napahawak siya sa ear nya ng involuntary, ang alam ko kasi isa lang ang pierce niya, tatlo na ngayon.

"M-matagal na" he answered saka ibinaba yung kamay at ibinulsa.

"Abaaa, ang cool ng necklace ah" I teased and he cleared his throat, "and black na ba ang favorite color mo? These past days laging black nalang ang mga damit mo".

"Yung tanong mo dati" sabi niya out of the blue, "ano'ng gagawin ko kung mamamatay ka tulad ng ate ko"

"I was.." Oh my gosh, nasabi ko pala yun! "It was just..look, nasabi ko lang yun dahil—"

"Hindi ko alam" siksik niya bago pa ako nagpaliwanag, "hindi ko alam ang gagawin ko" he stopped walking kaya tumigil din ako, medyo malayo pa kami sa greenhouse, "it haunted me," tumingin siya sa akin, "your question, it haunted me".

"Oh my god, I'm so sorry" inabot ko siya para yakapin pero he stepped back kaya hindi ko itinuloy, "hindi ko din alam kung bakit ko yun natanong, naguguluhan kasi ako that time. Allen, look, hindi ako mamamatay. Kasi you'll protect me tulad ng ginagawa mo ngayon 'di ba?"

"Of course" he answered, giving me a small smile. Gumaan agad agad ang pakiramdam ko, it's been a while since I last saw him smile.

"So.." lumapit ako ng konti nung nag-start siyang naglakad, "okay na tayo?" I asked, hindi siya sumagot kaya lumapit pa ako lalo and I bumped my shoulder sa shoulder niya, "okay na tayo?" ulit ko.

"Depende" he finally asked.

"Depende saan? Ang arti mo ah, huwag ka ngang gumagaya kay Nathaniel" I joked.

"Depende kung.." he looked at me, "kung mapapatawad mo ako".

"Ahh, that" sabi ko, "alam ko namang may reasonable explanation ang lahat ng ginagawa mo, hindi kita pipiliting mag-explain though, take your time, I'll be patient. Pero yup, I forgive you" I answered. Hindi na lumaki ang ngiti niya like what I have expected, pero at least hindi siya sumimangot kaya I didn't complain.

Umabot kami sa may greenhouse and he opened it.

"Whoa" sabi ko, iba't ibang klase ng plants kasi ang nasa loob, walang masyadong namumulaklak since tapos na ang flower season pero it's still amazing kasi they are neatly arranged, "sigurado ka bang kay Uno ang garden na 'to?" I asked.

"Hindi sa kanya, sa tita niya." answered Allen.Nag-ikot pa kami ng konti sa greenhouse until we found a bench near a small pond and we sat there.

I was busy looking around when I heard numbers being dialed and I looked at the man sitting beside me. Saktong tapos niyang ini-enter yung number at inilagay sa ear niya.

"Kuya, kasama ko siya" he said to the receiver.

"Sino yan?" I whispered and he gave me the phone, "hello?" tanong ko sa receiver.

"Cofi!!" said a voice that sent butterflies in my stomach.

"Cofi" I answered, I was about to cry pero sinenyasan ako ni Allen na huwag. "I miss you" sabi ko sa asawa ko.

"God you don't know how much I miss you love" sabi ni Bryce, napansin kong parang wala siyang buhay kaya nag-alala ako ng husto.

"Bryce, please eat well, you sleep too. Take care of yourself kasi I'm taking good care of myself. Huwag mo akong alalahanin kasi andito naman si Allen, he won't let anything bad happen to me. Okay?" mabilis kong sinabi, feeling ko kasi we are running out of time.

"I will, I will. I love you" his cry broke my heart at gusto ko siyang sabayan pero hindi pwede, baka magtaka yung mga kasama ni Uno kung makikita nilang umiyak ako. We can't risk any suspicion, that's the last thing we need.

"I love you more than anything. Are the guys okay?" I whispered. Natatakot kasi akong baka may nakikinig sa amin.

"Yes, yes they are. Wait just a little bit, yeah? We're coming to get you."

"I'll be waiting" sabi ko't biglang inagaw ni Allen yung phone at itinago sa bulsa niya, saktong dumating yung babaeng laging naglilinis sa kwarto ko. Agnes ang pangalan niya, I heard someone called her kanina nung ni-refill niya yung water ko.

"Ibalik mo na siya, parating na si Uno, ayaw kong malintikan tayong lahat" sabi niya saka tumingin sa akin, mabuti nalang hindi ako umiyak, hindi ko kasi sigurado kung very loyal ba siya kay Uno or what.

"Thanks" sabi ko sa kanya, hindi siya ngumiti o tumango, tumalikod lang siya't umalis, "at least she warned us" sabi ko. Tumayo si Allen and so did I.

"Bumalik na tayo" he seriously said. Bumalik na naman ang seryoso niyang expression.

I'm so full of emotion kaya hindi na ako nagsalita habang pabalik kami sa bahay.

Bryce's voice... parang nakita ko tuloy ang itsura niya. Sigurado akong bumalik na naman ang pagka-gangster niya. And what about Nathaniel? Kahit binubully ko siya, o binubully niya ako, that guy cares for me, a lot. Kinilabutan ako nung naalala ko yung nangyari last year.

"Are you okay? Akala ko bubuti ang pakiramdam mo kung makakausap mo siya" whispered Allen.

"I am!" I whispered with a small smile, "nag-aalala lang ako sa mga kuya mo, kilala mo naman ang ugali nung mga yun" I said.

We arrived at my door and he opened it saka pinapasok ako, sumandal siya sa may door frame with his hands on his pockets, "Ate" he called out and my smile widened, "can I hug you?"

"Sure! My god! Di mo alam kung gaano ko kailangan ang hug mo ngayon!" I said happily and went to his waiting arms. He hugged me tightly at gumaan lalo yung pakiramdam ko, nawala bigla lahat ng worries at anxieties na nararamdaman ko.

"Piliin mo ang mga taong pinagkakatiwalaan mo" he whispered. I nodded a little kahit madami pa akong questions. He let go and gave me a small smile, he stepped back and closed the door.

Piliin ko ang mga taong pinagkakatiwalaan ko?

How?

-=-=-=-=-=-=-

Walang katapusang THANK YOU CHOWDIES!❤️❤️❤️

Me and My Boys VOLUME 4Donde viven las historias. Descúbrelo ahora