Chapter 4: Sermon

6.1K 180 5
                                    

Allexa's POV

Kurt, Nathanie, Bryce, and I, were currently watching Moana when someone knocked on the door. Nagluluto kasi si Jason at tinutulungan siya ni Allen.

"I'll get it!" Sabi ko't daling tumayo at tinungo ang pintuan.

"Surprise!!" Bungad nina Crystal at Liezyl  pagbukas ko nung pintuan.

"Hindi rin, kayo lang naman ang hinihintay namin eh" sabi ko't nawala agad yung ngiti nila, "pero HI!! My gosh antagal rin nating hindi nagkita!" I exclaimed sabay yakap sa kanila, saka ko lang napansin si Kate sa likuran, "hi din sa'yo" bati ko't binitawan yung dalawa pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ganyan talaga siya bumati, tinataasan ka ng kilay. Masanay ka na habang maaga pa" sabi ni Liezyl.

"Noted" sabi ko sabay tango.

"Whatever, asan si Kurt?" She asked as they went inside.

Uh oh, baka sermonan niya si Kurt!

Pero wala na sila sa sala, si Bryce nalang ang nakaupo sa sofa, ni hindi niya kami nililingon.

"Nasa.."

"At si Tan?" Tanong ni Crystal.

"Hi kuya Bryce!" Bati ni Liezyl saka lang tumingin sa amin si Bryce, itinaas niya ng konti yung isang kamay niya't nagwave ng konti saka tumingin uli sa pinapanood niya.

Pero nakku! Lagot yung dalawa! Saan naman kaya sila nagtago??

"Asan yung dalawa?" Tanong uli ni Crystal at napatingin silang tatlo sa akin.

"Nasa.."

"Hi mga ate! Andito po sila!" Sigaw ni Allen mula sa pintuan ng kitchen at biglang may bumato sa ulo niya ng... grapes ata yun, dali siyang napatingin dun sa bumato, "ay sorry kuya, sikreto po ba dapat?" Tanong niya, tapos binato uli siya, pero this time, petchay na.

Haay, katawan lang ata ni Allen ang nagmature, okay na rin yun.

"Aba't tataguan pa kami?" Tanong ni Crystal, nagtinginan sila ni Kate saka nagtanguhan at tinungo nila yung kitchen,  sinundan namin sila ni Liezyl.

Pumasok sila sa kitchen at hinanap yung dalawa.

"Hi girls!" Bati ni Jason na naka-apron, nagluluto kasi siya ng sweet and sour.

"Halloo, asan yung dalawa?" Si Crystal ang nagtanong. Hindi sumagot si Jason kasi siniko ni Kate si Crystal at itinuro sa banda ng fridge.

Napasapak ako sa noo ko, lightly lang naman. Paano'ng hindi ako mapapasapak sa noo ko eh kung makatago naman yung dalawa sa side ng fridge, kita ang tuktok ng ulo nila, mygoodness, wala ba silang natutunan sa akin these past years?

"Hoy, kita namin yang mga ulo niyo" said Kate at nagbend yung dalawa para magtago pa lalo.

"Isa" bilang ni Crystal at biglang lumataw si Nathaniel na muntik pang matumba, itinulak ata ni Kurt. He stood straight like a soldier pero sa baba siya nakatingin.

"Dalawa" bilang ni Kate at unti unting lumabas si Kurt na nagkakamot ng batok.

"I think we need to leave" bulong ko ko kay Liezyl.

"Agreed" sabi niya't hinawakan namin ang magkabilang balikat ni Allen saka dahan dahang hinila paatras hanggang sa nakalabas kami sa kitchen at dali kaming pumunta sa tabi ni Bryce.

"Hayan na" sabi ni Liezyl at dinig nga naming sinesermonan na nung dalawa ang mga jowa nila.

"Kawawa naman si kuya Jason" sabi ni Allen at saktong lumabas si Jason na namumutla at nakahawak sa dibdib niya.

"Dito ka" sabi ko at tumabi si Allen para may space sa pagitan namin, umupo doon si Jason.

"Na..nakakatakot sila" he said horribly. Poor him, he will never unsee what he just witnessed in the kitchen.



--


"Waits, asan si Jason?" Tanong ko sa mga nakapwesto sa harap ng Tv, ako kasi ang nautusang kumuha ng popcorn, yes, nagbotohan sila kung sino ang kukuna ng popcorn at ako ang ibinoto nila. Syempre umangal ako pero wala na akong nagawa.

"Lumabas po" si Allen ang sumagot, ni hindi niya ako tinignan.

Ito na ang chance ko para makausap siya.

"Uhh, magpapahangin lang ako" sabi't ibinigay yung popcorn kay Nathaniel na pinakamalapit. Tumingin ako kay Bryce at tinaasan niya ako ng kilay, I mouthed "I'll be back" at dali akong lumabas bago pa magtanong yung iba.

Hinanap ko si Jason sa harap pero wala siya doon. Baka nasa may pool kaya doon ako pumunta. Andoon nga siya, nakaupo sa side ng pool.

Mukang anlalim ng iniisip niya, ni hindi niya ako napansin.

"Hi koya" bati ko, gulat siyang tumingin sa akin.

"Bakit ka lumabas?" Tanong niya, lumapit pa ako lalo at nagtanggal ng slippers saka tumabi sa kanya.

"Nabo-bored ako sa loob eh"

He crossed his arms over his chest and narrowed his eyes at me, "Liar," he said, "kanino ka natutong magsinungaling?"

"Sa inyo ni Nathaniel, kanino pa ba?" Sagot ko, ngumiwi siya saka nagkibit balikat, aminado eh.

He uncrossed his arms and looked at the water in front of us.

Kinagat ko yung ibabang lips ko, nangangati na talaga akong magtanong kung ano'ng nangyari sa kanila ni Mary Jane last summer.

Bigla kasi nilang ikinansel yung kasal nila, two days before the wedding. Then Mary Jane told me that their relationship is over. Hindi ko na siya nakita since then, though naguusap kami sa phone. I tried prying information from her pero lagi niyang iniiba ang topic kaya I gave up.

Tapos si Jason, ni minsan hindi na binaggit si Mary Jane.

"Sige na, ask me" sabi niya saka tumingin sa akin at ngumiti ng konti, "ready na ako sa mga tanong mo"

"Talaga?" Masaya kong tanong.

"Oo na, mamaya mabangungot ka pa kung hindi mo yan ilabas"

"Hihi sooooooo" huminga muna ako ng malalim, "ano ba talaga angnangyari sa inyo ni Mary Jane last summer?"

Huminga sin siya ng malalim saka tumingin uli sa harap namin, "She..she kind of caught me with..with.."

"Wiiith?"

"With someone" he finally said at napansin kong hindi siya comfortable.

Oh..my..gosh. Did he..?

"Jason? Did you..?"

"No!" Agad niyang sabi, "it's not what you think. I didn't cheat! It was just a misunderstanding!" Mabilis niyang sabi at nakahinga agad ako ng maluwag.

"Phew! Akala ko you cheated on her." I said, "eh bakit hindi ka nagexplain kay Mary Jane?"

"I tried. Many times. Pero ayaw niya akong kausapin."

"Eh kung ako kaya ang magsabi?"

"Huwag na" he said saka inilabas yung mga paa mula sa pool and he stood up, "just let it be, let her cool down a little, I can wait naman eh" he offered his hand and helped me stood up.

"Paano mo malalaman kung nagcool down na siya eh hindi mo nga alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya?" Sabi ko habang patayo.

"Ano'ng hindi ko alam?" Nakangiting sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Ohemgee koya, don't tell me na you are spying on her!?" Nangingiti kong tanong.

"Me spying on her?" Tanong niya saka nagsimulang naglakad paalis, "never" he said.

"Liar!!" Natatawang sigaw ko't hinabol ko siya.

Ayaw ko sanang makealam sa problema nila pero feeling ko, makekealam ako, hihi.

-=-=-=-=-=-=-

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now