Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?

8.8K 289 155
                                    



Allexa's POV

Nakaupo sina Kate at Crystal sa mahabang sofa together with Kurt and Allen, nakaupo naman ako sa lap ni Bryce na nakapwesto sa separated single sofa and the others sat on the carpeted floor while Jason and Nathaniel are in front of us with their markers and  white board-na ngayon ko lang nalamang may ganoon pala kami. 

On the board, the phrase"OUR BABY" is written in bold letters on the top, MGA NINONG, MGA NINANG, and PLAN FOR 9 MONTHS arewritten below at madami pang scribbles na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

"Ewan ko lang ha," said Crystal nung natapos minention ni Jason lahat ng ninong at ninang, "pero hindi ba kayo masyadong OA?"

"Yan ang lagi kong tinatanong mula pa kanina" I added, Bryce wasn't actually listening kasi kanina pa niya hinahawakan ang tummy ko na parang pinapakiramdaman kung may bata ba talaga sa loob. He's so cute kaya hinayaan ko nalang siya.

"Walang OA OA sa mga ganitong bagay, alam niyo bang nung unang araw palang na naging sila ni Bryce eh ito na ang gusto naming mangyari?" asked Jason.

"Paano nalang kung kayo na mismo yung may mga anak, baka mas OA pa kayo niyan?" tanong ni Kate.

"Oo naman!" si Kurt yung sumagot sabay hawak sa tummy ni Kate, "asahan mo yan" dagdag niya.

"Eeew! Huwag dito!" reklamo ni Crystal na lumayo ng konti sa dalawang magsisimula nang maglampungan. Then in an instant, Nathaniel is on her side, holding her hand.

"Kung naiinggit ka, edi tayo rin!" excited na sabi ni Nathaniel.

"Pwede ba!" reklamo ko, "May naiinggit dito!" itinuro ko sina Etong at Kalbo na kanina pa parang gustong sumuka kaya sinipa ko siya ng konti while giggling.

"Hindi ah! Bakit naman ako maiinggit?" tanong ni Kalbo.

"Ay oo nga no, bakit ka nga pala maiinggit eh andyan pala si Etong" biro ko pero tinignan niya lang ako ng masama.

"Hoy Lexa, huwag kang abuso ha. Hindi porket ayaw naming inisin ka eh iiral na naman ang pagka-Allexa mo" sabi ni Adong.

"WOOW! Pagka-Allexa talaga!? Kelan pa ako naging adjective?"

"Behave" utos ni Bryce sabay pinch ng konti yung left cheek ko, "he's right, huwag kang abuso"

"Fine, fine, hindi na. So pano na?" I asked.

"We eat?" masayang tanong ni Jason.

"Guys, we ate like 30 minutes ago" sabi ni Kate.

"Then we eat again!" masayang sabi ni Kurt sabay hila kay Kate, sumunod si Crystal na hila-hila ni Nathaniel kaya napatingin ako kay Kalbo na saktong tumingin sa akin habang patayo.

"Ano na naman?" tanong niya at itinuro ko si Etong.

"Hindi mo siya hihilain?" tanong ko at itinaas niya ang palad niya malapit sa muka ko.

"Hindi, hindi ako papaapekto sa pang-iinis mo" he said saka nag-hmp at tinulungan si Etong na tumayo.

"Ayeee!" kinikilig na sabi ko kaya hindi na nakapagtimpi si Etong at itinaas yung kamay niya na parang babatukan ako pero pinigilan siya nina Adong, Ilong at Kalbo.

"Chill pare, tiisin na muna natin" sabi ni Ilong.

"9 months mga pare! Titiisin natin ng 9 months!" sigaw niya habang hinila siya palayo nung tatlo.

"Cofi," tawag ni Bryce na nakaupo parin and I looked down at him, "come here" utos niya kaya bumalik ako sa lap niya, princess style.

"Bakit?" pa-cute na tanong ko at tumawa siya ng konti. He snaked his hands around me at ipinatong yung baba sa shoulder ko.

Me and My Boys VOLUME 4Où les histoires vivent. Découvrez maintenant