Chapter 17 Spell OA

8.6K 302 86
                                    


Allexa's POV

Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nung mga boys sa sala, basta sinabihan akong huwag makisali sa meeting nila. Exclusive at masinsinang usapan daw kasi ang gagawin nila at hindi sila pwedeng maistorbo.

Hmp, if I know, pauusapan lang nila kung ano'ng ipapangalan sa baby ko, kung ano'ng color ang magiging theme ng baby's room, kung sino ang naka-assign na magbaby-sit each day, basta mga bagay na tungkol kay baby.

How did I know?

Nakita ko sa isinulat ni Nathaniel na agenda ng meeting nila.

"As in nahimatay sila?" asked Renee, nakavideo call siya sa lappy ko.

"Nadatnan ko sila na nakahandusay sa sahig mare" answered Crystal na kakatapos lang tumawa after telling Renee what happened.

"Pinicturan mo sana girl!" natatawang sabi naman ni Mary Jane na nakavideo call sa phone ko, inilapag ko yung phone sa table tabi ng lappy ko para pareho sila ng angle ni Renee.

"Nakay Kate! Ang cute nga ng pagkakuha eh!" said Liezel, galing siya sa salon kaya naman may mga nakasabit pang silver foil sa buhok at nakasuot parin yung salon coat sa shoulder niya. After hearing the news that I'm pregnant, umalis agad siya sa salon na hindi man lang pinatanggal yung mga nasa buhok niya. Thankfully, hindi pa inapplyan ng chemicals kaya safe kami sa amoy.

"Yup! Meron sa akin, isend ko mamaya" said the newly additional girl sa group namin na nakaupo sa likuran ni Crystal, na sa wakas, naging open na sa akin. Yung past namin, it will remain in the past. Ang importante, she is treating Kurt really well, and she loves him kaya naman accepted agad siya sa grupo. Okay naman ang samahan nila nina Liezel at Crystal, they really get along just fine. Sana nung high school pa siya nagchange of heart.

"Great! Pero hindi ko akalaing ganoon ang magiging reaction nila, imagine? Yung mga dating gangster na mga yun? Nagfaint? Haha!" said Mary Jane.

"Haynako, siguradong pati ang schedule ng binyag, meron na" said Crystal.

"Hu! Baka nga kompleto na ang scholarship ni baby hanggang college eh! Mantakin mong magmimeeting sila na parang sasabak naman sila sa malaking gulo?" said Liezel and they laughed and joke about what happened.

Nung hindi ko magising yung mga guys, tinawagan ko agad sina Crystal at dali silang dumating. We tried waking them up by shaking their shoulders pero ayaw parin nilang gumising, kaya naman kumuha si Liezel ng half full pail of cold water and splashed it to the people lying on my bedroom floor and they woke up at once.

Pagkatapos nilang marealize kung ano'ng nangyari. Agad silang nagpanick, especially Nathaniel and Allen, tapos kumuha si Nathaniel ng papel sa side table ko at nagsulat agad ng agenda ng meeting nila then they went down, commanding us to stay put and never to go down.

Bryce were just silent na parang wala siya sa sarili niya. It's the first time I saw him act like that. Sumunod din siya kasi hinila siya ni Kurt. I feel sorry for him, but he's so cute at the same time! Haha

Pero this is a new page of our life, I should brace my self for the upcoming changes.

"But why do you look sad Lexa?" pagkatanong ni Renee, tumingin silang lahat sa akin. Sa separate couch kasi ako nakaupo with my feet folded against my chest.

"Ano'ng problema?" asked Liezel.

I breathed a lung full of air and hugged my knees, "I'm kind of worried" I announced, "Ngayong buntis ako, siguradong magiging OA na naman yung mga guys, baka hindi lang times 2 ang pagkastrict nila."

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now