Chapter 6: The Call

9.5K 350 82
                                    


Allexa's POV

"Pwede bang pakiexplain uli sa akin kung bakit ako dapat ang tumawag kay MJ? Anlabo besh eh, alam mo yun?" drama ni Nathaniel, nakaupo kaming dalawa sa sofa while Kalbo's group, with the baby, are playing on the floor. Grabe, talagang aliw na aliw sila sa baby, in fairness to them, bagay nilang maging tatay, sana naman may pumatol na't sumeryoso sa kanila.

"Muka nga niya kung malinaw, paliwanag pa kaya niya?" siksik ni Kalbo, mabuti nalang anlapit lapit lang ng likod niya sa paanan ko kaya naman nasipa ko agad siya't sumubsob siya ng konti sa floor saka ako tinignan ng masama.

"Ikaw nalang kaya kashi?" Nathaniel said to me habang nagpapa-cute.

"My gad 'di mo bagay!" sumimangot siya, "Ikaw nga kasi never mo pa siyang tinawagan at inimbita sa kahit ano, syempre iisipin niyang dahil first time mo siyang i-invite, kailangan ka niyang pagbigyan, alam mo namang sentimental yung tao, lahat ng 'firsts' niya eh nirerecord o pinapangalagaan" paliwanag ko.

"Nirerecord lahat ng first niya?" he asked with a naughty smile kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin ako sa mga boys, pareho silang nakangiti, parang may inside joke sila na hindi ko mawari.

"Nirecord kaya nila ni Jason? Kkkk" tawa ni Adong.

"Sigurado yun pre, si Jason pa?" said Pekto tapos naghighfive sila ni Ilong while laughing naughtily.

"Eh yung first niyo ni mfmfmfff" hindi na itinuloy ni Adong yung tanong niya sa akin dahil tinakpan na ni Etong yung bunganga niya. Parang nagegets ko na tuloy yung sinasabi nila pero hindi ko na pinahalata at baka lumala pa.

"Huwag mo na silang pansinin" said Nathaniel, "fine, tatawagan ko na siya't iimbitahang magbakasyon dito".

"Kita mo? Papayag ka rin pala, andami mo pang arti" I said.

"Edi huwag na-" tatayo na sana siya pero hinila ko siya pabalik.

"Joke lang! ke arti ng baklang 'to" sabi ko and he flipped his imaginary long hair to his side at naginarte talagang parang bading, sarap batukan.

"Did you call her na ate?" asked someone from behind us, si Ashley pala, kakababa lang nila ni Allen sa hagdan.

"Hindi pa, tatawagan palang" I answered.

"Hoy Allen, nirecord mo ba?" tanong ni Kalbo tapos nagtawanan uli sila, pati si Nathaniel nakisali narin.

"Hindi po eh" sagot naman ni Allen habang nagkakamot ng batok kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Allen!" sigaw k owith my eyes ready to pop out of their sockets.

"Joke lang ate" agad na sabi niya sabay peace sign, I calmed a little pero pinanliitan ko parin siya ng tingin.

"Nirecord yung alin?" tanong ni Ashley.

"Don't mind it Ashley, lalabas ba kayo?" I asked, nakabihis kasi silang dalawa, I smiled and looked at them suspiciously, "ayeee!! Anur yurn!? Magde-date kayo?" biro ko.

"As much as I want to call it a date, pero may bibilhin lang po kami saglit" sagot ni Ashley  at nagkamot na naman ng batok si Allen habang nakangiti.

"Weh? Bakit hindi niyo nalang itext kina Bryce?" tanong ni Nathaniel, lumabas uli kasi yung dalawa dahil nakalimutan nila yung isang grocery bag sa pinagbilhan nila. Si Kurt naman, nasa taas, natutulog pa, napuyat sa midnight calls nila ni Kate.

"Yan nga din po ang sinabi ko eh" said Allen.

"Kesa naman magmukmok tayo rito kasama ng mga retards ano!" Ashley exclaimed kaya tumigil yung mga boys sa paglalaro at dahan dahang tinignan ng masama si Ashley, "hindi po kayo, sina ate Lexa at kuya Nathaniel ang tinutukoy ko" she corrected at kami naman ni Nathaniel ang tumingin ng masama sa kanya, "Bakit? Totoo naman ah!" sigaw niya sa amin.

Me and My Boys VOLUME 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon