Chapter 24: The Visitor

5.6K 224 20
                                    


Allexa's POV

Nakikisama ata ang panahon sa nararamdaman ko ngayon, it's going to rain any minute now. I didn't even bother to turn on the light in the room where I am being held in. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Mas madaming tao ngayon kesa kanina. I think Uno is gathering all the members of Phoenix.

Some of them are familiar; I even saw some of the older members. Lumingon sila sa banda ko pero agad silang umiiwas ng tingin. I bet they don't agree with their alpha. Ano ba kasi ang meron sa pagiging alpha at bakit kailangang tuparin lahat ng sinasabi nila? I hate gangs talaga.

*knock knock knock*

Nagulat ako saglit nung biglang may kumatok, pero hindi ko binuksan, natawa tuloy ako ng konti, paano ko naman mabubuksan eh sa labas ng door ang lock?

Bumukas yung pinto and I smelled pancakes, I missed Jason.

"Kain ka na muna" sabi ng familiar voice, nilingon ko siya and I saw what he was holding. Isang plate ng pancake and a glass of milk.

"Courtesy of Allen?" tanong ko.

"Hindi ah, ako ang nagpakahirap na nagluto nito" answered William with a suppressed smile, nahihiya ata.

"Wow, thanks naman." sabi ko. He placed the food on the table beside the bed as I sat down on a chair near it, "si Allen?" I asked.

Hindi ko parin magawa ang magalit ng husto kay Allen, he is still part of my family. He betrayed us pero I know na may acceptable reason siya. Muntik ko ng makalimutang matalino si Allen, sigurado akong may pinaplano siya.

"Sumama kay Uno, may sinalubong silang mga bagong recruits" sagot niya.

"Safe bang magsalita dito sa kwarto?"

Tumingin siya sa upper corners ng room saka tumango ng konti.

"Yung package na sinabi niyo kanina, ano yun?" pabulong na tanong ko, I started eating casually. He did a great job with the pancake.

"Mga.. mga orders ni Uno na baril" I stopped chewing, biglang nawala yung appetite ko. Pinilit ko nalang na nilunok yung nasa mouth ko and dropped the fork on the plate.

I sighed as I closed my eyes, mai-stress ata ako dito.

"Phone," sambit ko and opened my eyes, "I need a phone" I looked at William na nagkakamot ng batok, "pwede mo ba akong bigyan ng phone?" I asked.

"Baka..patayin ako ni Uno eh" he whispered.

Kinilabutan ako bigla, "Ah sige, never mind." agad na sabi ko, then I looked back at him, "why are you helping us?" I asked. Tumingin muna siya sa labas ng bintana saka dahan dahang umupo sa tabi ko.

"Nakay Bryce parin ang loyalty namin kahit binitawan niya ang Phoenix" bulong niya, I felt happy at the same time guilty.

"Sorry kung umalis sina Bryce ng dahil sa akin" I said.

"Huwag kang magsorry, si Uno lang naman ang nagiisip ng masama tungkol sa pag alis nina Bryce." the door opened and a guy peeked inside.

"Pre, tawag ka sa sala" sabi niya. Tumayo si William saka itinuro yung plato ko.

"Kainin mo yan" utos niya, I nodded then he went out with the guy. At least alam kong may kakampi ako sa bahay na ito.

I stood up and went by the window. Nadagdagan pa ang mga sasakyan sa labas. Napansin ko ding umiingay na sa loob. Kahit malayo ang kwarto ko sa sala, dinig ko parin ang parang mga bees na ingay ng mga andoon.

Then I remembered Daemon, nakabalik kaya sila sa city nila ng safe? Ang swerte naman nilang nakaalis na before pa nagkagulo sa bahay. Or is it because of them kaya umatake sina Uno sa bahay? Alam ba ni Allen na bumisita sina Daemon kaya ganoon?

Too many questions, too little answers.








A knock on the door woke me a little, my visitor didn't wait for me to call out and he opened the door.

"Nathaniel, pwede bang sina Kurt ang guluhin mo?" I mumbled.

"Bakit hindi ka kumain?" said a familiar voice. Then naalala kong wala pala ako sa bahay. Gumising ako bigla at napaupo. Si Allen pala ang pumasok sa kwarto.

He was currently looking at the not-eaten pancake on the side table, "Bakit hindi ka kumain?" ulit niya, napansin kong medyo galit ang tono ng boses niya, or is he worried?

"Wala akong gana" I answered. Umupo ako ng maayos, "sorry about kanina" I said.

"Don't" agad na sabi niya. He sat on the edge of the bed and covered his face with his hands, "I made terrible things. Hindi ko deserve and paghiling mo ng tawad" he said. I reached out para hawakan ang shoulder niya and to tell him it's okay pero he stood up and went out. My hand hang in the air.

I sighed. Hindi ko alam kung ako ba ang nangangailangan ng comfort o siya. Humiga uli ako pero feeling ko hindi na ako makakatulog, ubos na yung gatas sa side table, hindi naman ako pwedeng lumabas ng kwarto dahil baka malintikan sina William.

"Ang asim ko, huhu" drama ko. Hindi pa ako naliligo, suot ko parin ang suot ko mula nung na-abduct ako.

The door opened again for the second time and Allen came in with a tray in his left hand 2 plastic bags on the other. Umupo ako at hinintay siyang lumapit. He placed the tray on my lap, a bowl full of cereal soaked with milk, a glass of milk, and two slices of bread.

"Please eat" sabi niya saka tumalikod at kinalkal yung hawak niyang plastic bag.

"Di ba sabi ko sa'yo, hindi pang gabi ang cereal?" paalala ko pero I ate a spoonful and glad I did, saktong naramdaman ko kasi ang gutom, kawawa naman si baby ko.

Hindi sumagot si Allen so I just watched him. From the bag, he took out three rolled tissues and placed it on the table, a tooth brush and a paste with a pink mug, a shampoo, conditioner, and other necessities. Then he placed the other plastic bag beside the table, I think those are clothes.

"May kailangan ka pa ba?" he gently asked.

"Yes" I said as I chewed my food, he finally looked at me and waited for my answer, "call me ate, you are allowed to call me ate again." sabi ko.

Mukang nagulat siya sa sinabi ko, pero he looked away.

"Fine" agad na sabi niya, then he hurriedly went out of the room.

I stopped eating, kanina ko pa kasi gustong umiyak dahil namimiss ko siya, namimiss ko yung dating Allen, ayaw ko lang ipakita sa kanya kasi baka lalo pa siyang maguluhan.

At least hindi niya nakalimutang mabuti siyang tao. Tumingin ako sa mga bago kong gamit and I continued eating.

At least makakaligo na ako later.

-=-=-=-=-=-=-=-


Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now