Chapter 11: Cute? Saang banda?

7.3K 307 67
                                    




Allexa's POV

Hinawakan ni Jason yung kamay ko at tinignan ako sa mata, "Am I right? Buntis ka na ba?" tanong niya. Sinubukan niyang pinigilan pero napansin ko paring excited siya sa kung ano man ang isasagot ko.

"Uhhh" sagot ko at napatingin ako sa dalawa, they mirrored Jason's expression, hopeful. "Hindi, hehe" sagot ko, pero hindi nag-iba ang reaction nila, "Seriously guys! Hindi ako buntis!" natatawang sabi ko.

Binitawan ni Jason yung kamay ko saka tumingin sa tatlo, "Baka nahihiya lang umamin" he said.

"Oo nga, huwag niyo nang pilitin, baka balak niya tayong isorpresa" said Kurt, their smile never faded.

"Ano? Eh sa hindi nga ako buntis!" pilit ko.

"Tumigil ka nga!" sigaw ni Nathaniel, nagulat ako ng konti, "Kita mong pinipilit namin huwag madismaya, kontrabida!"

"Hayaan mo na kaming mangarap," said Kurt and ate some fries, "pero sana hindi hanggang pangarap lang ito" he sighed.

"Bakit kasi ako ang hinihintay niyo? Pwede naman kayong gumawa ng inyo ah!" sabi ko, wala na akong ganang kumain..joke! Ubos lang kasi yung laman ng plate ko, "Pero teka," I looked at Jason, "Bakit mo tinatanong kung gising pa si Mary Jane? Okay na kayo?" ako naman ang hopeful.

"I wish" he shortly answered.

"Eh bakit mo tinatanong kung gising na siya?" I asked. At the moment, Allen is staring at his food, hindi ko na siya pinansin kasi mukang malalim ang iniisip niya.

"I was just wondering," he answered sabay shrug ng left shoulder niya.


Allen's POV

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot dahil hindi buntis si ate Lexa, ayaw ko pa siyang magkaroon ng baby dahil.. bakit nga ba?

I looked at her, she is currently laughing about something that kuya Kurt said. Tumingin siya sa akin at lalo pa siyang ngumiti sabay wrinkle ng nose niya, telling me that it's not really funny, napangiti ako. Alam na alam ko ang mga signs niya, and she knows that I can read them very well. Our silent communication.

That's it! Our connection! Natatakot ako na baka mawala yun kung sakali mang magkakaroon siya ng baby.

Kailan ko lang ba ito narealize?

*Beep*

I took out my phone, nagmessage na naman si Ashley.

'Len, sorry na kung may nagawa man ako para iwasan mo ako. Pwede bang bati na tayo?'

Huminga ako ng malalim, fighting the urge to tell her that it's okay, that she had nothing to do with anything. Pero kung rereplyan ko siya, lalo siyang mangungulit hanggang sa magiging involve siya sa situation ko ngayon.

I kept my phone away.

"Tara na bago pa lumabas si Mr. Sun" sabi ni ate Lexa so we started cleaning up our mess and stood up one by one.

Pero bago pa kami nakalapit sa exit, biglang pumasok ang grupo ni Uno.

Nag-init ang ulo ko't dahan dahang hinila ang kanang kamay ni ate Lexa para itago sa likod ko, thankfully she complied at kumapit siya braso ko. Ang pinagtataka ko, sina kuya Jason, ni hindi sila tinignan ng masama si Uno tulad ng ginagawa ko.

"Aba! Tignan mo nga naman oh! Andito na pala kayong mga oldies?" natatawang sabi ni Uno.

"Aba! Tignan mo nga naman oh! Ang siga ng ayos eh sa Mcdo lang pala kakain?" ginaya ni kuya Tan yung boses si Un, I heard ate's giggle but I ignored it.

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now