CHAPTER 8: The Visitors

8.4K 337 73
                                    




A/N: You have made this far! Don't forget to vote!^^

I love our bed room. Thankfully, hindi na red ang walls like before. Pure white na siya ngayon, ang natirang red lang ay yung frames ng windows. I really appreciate Bryce's efforts in making me comfortable in our home. His bike still hangs on the the left wall, the pictures are still there. Sa side table naman ng bed nakapatong ang dalawang pictures; group picture namin sa labas ng bahay yung isa, nung kakatapos lang naming pinturahan ang buong bahay; at yung isa naman, group picture namin nung kakatapos lang ang wedding.

His guitar collections stand on the right corner of the room, near the wide glass window, pinacarpet niya pa ang floor para kahit hindi na ako magslippers. I also love our bathroom! Sa wakas nagagamit ko na ang pinakamalawak na bathroom sa bahay na ito.  Our bed is so wide na kasya ang limang tao, Bryce likes wide space, ansarap higaan ang kama namin, pero....

"Asan na ba yung asawa ko?" I asked myself, kanina ko pa kasi siya hinihintay na umakyat. I decided to go down and check on him and the guys, baka kung ano ano na naman kasi ang ginagawa nila. I put on my robe, nevermind the slippers, and silently sneaked out of our room, kahit hindi naman kailangan.

Pababa na ako sa hagdan nung madinig kong may naguusap sa baba. "May bisita?" I asked the wall, wala lang, para lang aliwin ang sarili ko, hehe. I slowly went down the stairs and peaked at the living room.

Bryce, Allen, Kurt, Jason, Kalbo, Etong and Nathaniel are standing in the middle of the living room, arms crossed over their chest, and they are looking at some.. I peeked more.. ah, just some 3 guys looking like gangsters..wait..whuuuut??

"Sigurado ba kayo?" si Jason ang nagtanong.

"Oo, mamamatay lahat ng myembro ng Phoenix kung magtatagal pa siyang Alpha" sagot nung lalakeng nasa gitna.

"Bryce, baka pwedeng bumalik ka muna?" tanong nung nasa likuran nung leader. They are standing in a triangle position, so I supposed the guy in the middle is their leader.

Pero ano daw? Si Bryce?? Babalik sa Phoenix!? Over my dead--!

"Hindi pwede" sagot ni Bryce and I paused from entering the room. Since walang nakapansin sa akin, nagstep back uli ako ng dahan dahan at nagtago uli sa tabi ng stairs.

"Pero.."

"Hindi na namin sakop yan, tapos na kami dyan" said Nathaniel bago pa nakapagsalita yung ina-assume kong leader.

"Pasensya ka na pare, pamilyado nang tao si Bryce" said Jason.

"Naiintindihan namin" said the leader pero mukang hindi niya talaga naiintindihan, napipilitan lang ata kasi natatakot sa mga kaharap niya, "nagbakasakali lang naman kami, sige, pasensya na sa abala", naghandshake silang lahat tapos umalis na yung tatlo.

What did I just witness?

Ngayon ko lang uli nadinig ang dating gang nina Bryce, ang Phoenix. Why do they want my husband?

"Allexa," I stopped thinking nung nadinig ko ang pangalan ko, "labas na dyan" utos ni Bryce at sabay sabay silang tumingin sa direction ko, I hid my face using my palms.

"We can still see you, stupid" sabi ni Jason kay ibinaba ko ang mga kamay ko and acted as innocent as possible.

"Hi! Naku, ba't gising pa kayo?" I asked with my full smile while rocking back and forth with my hands at my back.

"Kunwari ka pa, kanina ka pa nakikinig eh. Siguradong mamamagnet ka ng situation, chismosa ka eh" said Nathaniel at lumaki ang butas ng ilong kong lumapit sa kanya, "I mean, tayo, chismosa tayo" he corrected.

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now