Chapter 29: Eagle

6.5K 241 53
                                    


Allexa's POV

Nagising ako nung nadinig kong may boses babae sa tapat ng kwarto ko. Inisip kong baka si Agnes, pero napansin kong dalawang boses ang naguusap doon. It's unusual kasi ang pagkakaalam ko, si Agnes lang ang female na pwedeng lumapit sa akin or sa kwarto ko, and aside from her, wala na talagang ibang babaeng lumapit sa akin ever since I came to this place.

Umupo ako't inalala kung paano ako napunta sa kama eh sa baba ako nakatulog kanina kasama si—ahhh, binuhat ako ni Allen, woooooow, nabuhat ako ni Allen! He's strong na, huhubels. Kelan lang nung binubuhat siya ni Kurt tuwing natutulog siya sa sala, tapos ngayon siya na yung nagbubuhat, mygad!

Bumalik ang attention ko sa narinig kong boses from outside my room, baka may bisita si Uno? Sana bigyan niya ako ng roommate—na sana mabait. Nakakabagot kasi ang mag-isa.

Sana hindi ako nagising, nagiging emotional na kasi ako, I'm beginning to feel alone. I miss my husband. Kaming dalawa dapat ang magkasama, I can imagine him cooking for me, never letting me to do anything aside from sitting down and eating. I miss my Bryce!

I was about to close my eyes again when there was a knock on the door, I slowly sat up and looked at it, alam ko kasing bubukas yun kahit hindi ako sasagot. Bumukas nga, revealing a smiling face of Uno. Why am I not surprised.

"Nagising ba kita?" he asked.

"Hindi, hindi, nakapikit nga ako, di ba?" sarcastic na tanong ko, his smile disappeared and he glared at me, pero konti lang, bumalik kasi agad yung ngiti niya.

"Anyway, may good news ako" he announced and my face lit up.

"Really??! Mamamatay ka na!?" masayang tanong ko and I heard a giggle coming from a female beside him, she was covered by the door kaya I can't see her, or them, I'm not so sure.

"Unahin ko kaya ang asawa mo?" he asked, pero I hinted na he's being playful kaya hindi ako nagulat o natakot sa banta niya. Hmm, why kaya? "May mga bisita tayo" he said, his smile widened and he opened the door wider.

Two girls stood by the door, they reminded me of Yin and Yang, kasi yung babaeng mas maliit is wearing all black while the other is wearing a white cute sundress.

Waaaaaaiiiiiiit.

"Hi!" bati nung babaeng nakawhite.

"Helllllo?" tanong ko, I'm still trying to remember kasi kung saan ko sila nakita, "nagkita na ba tayo?" I asked.

"Yes, one time." sagot ni miss White, her smile never left her face while the other girl inspected me like I'm a frog ready to be dissected.

"Ahhh" I just said, grabe siya ha, limited information, pwede namang sabihin niya kung saan kami nagkita, pero sa situation ko ngayon, it's better to be careful.

"Magisa mo dito? Can I join you?" miss white asked.

"Nope" si Uno ang sumagot bago pa ako sumigaw ng 'yes!'. Hinila ni Uno yung door and closed it, narinig ko bang medyo nag argue sila saka nagfade yung voices.

Great, lalo nang mas mahirap matulog ngayon knowing na meron akong makakachika pero hindi pwede. UHHggg!




Allen's POV

Napatingin ako sa maliit na knife na nakalapag sa side table ko. Simple lang naman ang dapat kong gawin, pumunta sa control room, insert the drive and let it copy all the files in just a minute, done. Get out of the house. Go back to my friends, to my kuyas.

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now