Chapter 2: Tamad

10.5K 394 127
                                    

"ANO?" MAHINHING TANONG ko habang nakatingin sa kanya na para siyang tinubuan ng dalawang kalbong ulo--or para siyang tinubuan ng buhok, pwede rin.

"Magpapaliwanag ako" agad niyang sabi sabay taas ng isang palad niya sa muka ko.

"Sandali," sabi ko sabay tapik sa kamay niya, "Medyo naniniwala ako na anak mo 'yan dahil hairless siya—"

"Bastos kang bata ka" siksik ni Etong.

"-Pero ang ibig kong sabihin sa tanong ko is, 'Ano? May pumatol sa'yo?' gano'n" tuloy ko at lumaki ang butas ng ilong niya.

"Hoy, sisimulan mo na naman" sabi ni Jason sabay hila sa likod ng collar ko para malayo ako kay Kalbo saka kinuha niya yung bata, "matuwa ka nalang dahil may bago tayong alaga, lumaki na si Allen eh".

Napatingin ako kay Allen at nagpeace sign siya sabay ngiti ng malapad.

"He still looks like a baby to me" sabi ko.

"I agree" dagdag naman ni Kurt sabay akbay kay Allen.

"Here, hold him" sabi ni Jason sabay abot sa akin nung bata na agad kong kinuha.

"Pero how sure are you na anak mo nga ito? Hindi naman sapat na dahilan yung kalbo niya para masabing anak mo nga siya." Sabi ko.

"Lexa, normal lang na wala siyang buhok, baby nga 'di ba?" sabi ni Kurt.

"Meron namang mga bata na mabuhok ah, pero sa bagay." agad na sabi ko.

"Hehe joke lang, hindi ko talaga anak yan, pinahawak lang nung kapitbahay namin. Hindi namin maiwan kaya dinala nalang namin dito" sabi ni Kalbo at nagpa'pffft! Yung mga kasama namin.

Ibinalik ko yung baby kay Jason at tinanggal ko yung isang sapatos ko, alam na ata ni Kalbo ang mangyayari kaya napaatras siya't tumalikod, tatakbo na sana siya pero nasapol ko na yung ulo niya gamit nung sapatos ko.

"Isang taon tayong hindi nagkita tapos iyan ang isasalubong mo sa'kin!?" sigaw ko habang hinihimas niya yung likod ng ulo niya.

"Andali dali mo paring lokohin, tsk tsk tsk" sabi ni Etong at tinanggal ko yung isa pang sapatos ko't ibinato rin sa kanya nung tatakbo na sana siya palabas ng kitchen. Tumingin ako kay kina Adong at Ilong at sabay silang ngumiti ng painosente, I spared their lives at nagrelax ako.

"Ano na nga uli ang pangalan niya?" tanong ko sabay kuha sa baby.

"Danilo" sagot ni Jason at umupo siya sa tabi ni Bryce na kanina pa kami pinapanood, pinipicturan pa ako habang hawak ko si Danilo.

"Bagay mo namang magkaanak, bakit ayaw niyo pa?" tanong ni Nathaniel.

"Eh hindi naman kasi gano'n—"

"Kadaling gumawa? Madali lang kaya!" siksik ni Nathaniel, sayang wala na akong suot na sapatos kaya imaginary gun nalang ang itinutok at ibinaril ko sa kanya. Humawak siya sa puso niya't kunwaring natamaan, mabuti nalang sinasakayan niya parin ang trip ko.

"What I was going to say is hindi gano'n kadaling magka-baby, napakalaking responsibility kaya no'n" sabi ko, nagulat nalang ako nung biglang umiyak si Danilo kaya agad siyang kinuha ni Adong.

"Halika Danilo, ilalayo kita sa warkang iyan" sabi ni Adong at napatingin ako kina Kurt.

"Ano'ng warka? Bakit niya ako tinawag na warka?" tanong ko, lumabas na sina Adong at Ilong at sinundan sila ni Kalbo, mukang napamahal na yung bata sa kanila kasi halos pinagaagawan na nila.

"Encantadia ate, laging inaabangan ni kuya Adong" Si Allen ang sumagot.

"Encan-?" tanong ko at nagkibit balikat lang sila, "nevermind, kumusta na nga pala ang paga-aral niyo?".

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now