Chapter 14: Pumayag ka?!

8K 272 84
                                    




Allexa's POV

Hinila ko si Nathaniel sa kusina at iniupo sa isang stool at nameywang habang tinitignan siya with my dagger eyes. Umiwas siya ng tingin.

"Ops!" turo ko sa muka niya't gulat siyang tumingin sa akin.

"What did I do!?" tanong niya sabay turo rin sa muka niya.

"Umiwas ka ng tingin!"

"Sssssssso?"

"Ibig sabihin, may itinatago ka," nameywang uli ako with a winning smile, tapos naging seryoso uli ako, "spill it" utos ko.

He spat on the floor.

"Eeew! I said spill! Hindi spit!" I cleared tapos tumingin siya sa paligid, "seriously!".

"Okay okay," he calmed me tapos tumingin siya sa akin, "I... I ate your cookies, and I'm sorry".

"Wha..what?" naguguluhang tanong ko, ano'ng coo-- ohhhh my gaaad, "you ate my cookies!?", I feel like I've been betrayed!

"Chill! Chill! Magbe-bake raw si Jason ng kapalit!" agad niyang sabi, "ginutom ako eh yung cookies lang ang laman ng ref!"

I pinched the bridge of my nose saka kinalma ang sarili ko, "Nathaniel, alam mong hindi mo pwedeng kainin kung ano man ang nakalagay sa pink na container, akala ko ba malinaw iyon sa ating lahat?"

"Gutom nga ako!"

I raised my palm in front of his face when I realized something.

"Hayaan mo na ang about sa cookies, hindi yun ang tinatanong ko" I cleared and put down my hand.

"Ah hindi ba?" he asked, "eh ano?", he looks like he's willing to answer.

"Ano'ng meron kina Allen at Ashley? May itinatago na naman ba kayo?"

"Gaga, ako pa talaga ang tinanong mo? Ano'ng malay ko dyan? Si kape mo kaya ang tanungin mo" he said, then he looked interested, "tapos ikwento mo sa akin ha?" he wiggled his left eyebrows.

"Sige masaya yan!" pinantayan ko ang excitement niya.

"Hoy hari't reyna ng mga chismoso't chismosa," siksik ni Kurt from the doorway of the kitchen, "aalis na daw yung mga bata."

"Ang aga naman, bumaba ba si Allen?" I asked.

"Ayaw niya, nagkulong sa kwarto." he answered.

Nung pumasok kasi si Allen, nagpaalam siyang aakyat na muna sa taas, nung natagalan siya saka ako nagtaka at si Nathaniel ang hinila ko para interviewhin kasi madali siyang takutin.

"Allexa," tawag ni Nathaniel at tinignan ko siya, "you planned to scare me?" tanong niya, siya naman ang nakapameywang ang tinitignan ako with his dagger look. Maingay parin daw pala ako magisip paminsan minsan, hihi.

"Ay hindi ah, bakit naman kita tatakutin?" I said at daling sinundan si Kurt.

"I missed the old Lexa!" pahabol niya with fake sobs.

"Ano'ng ibig niyanag sabihin?" pahabol na tanong ko kay Kurt.

"Nung hindi ka pa marunong magsinungaling." he answered, I giggled. It's not something I am proud of, pero it's a change, hehe.

"Ang aga niyo namang umuwi?" tanong ko sa tatlong bisita namin nung malapit na kami sa kanila. Nakatayo na silang tatlo at hinihintay lang ako. Sina Etong naman, busy parin sa mga cards nila but they constantly look at our direction. Never ko silang kinontra today, gusto ko kasing sulitin nila ang dayoff nila from babysitting.

"Opo ate, hinahanap na po kami ng mga parents namin eh" paalam ni Tony.

"Wow! Good boys! Ayaw mag-alala ang mga parents!" proud kong sabi at nagside glance ako kay Etong.

Me and My Boys VOLUME 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon