Chapter 19: 3D

7.3K 234 49
                                    


10 blocks away from the Cooper's house...

"Hihintayin pa ba natin na dumami sila?" tanong ng isa sa mga kasama ni Uno, kasalukuyan silang nagu-usap sa sala ng kanilang hideout. Hindi na nila ginagamit ang dating kuta ng Phoenix mula nung si Uno ang naging Alpha. Hindi narin kasi active ang mga nauna ng myembro ng Phoenix.

"Yung si Allen lang naman ang haharap dito kay Uno, ano ba ang inaalala mo?" tanong nung isa.

"Eh paano kung matalo 'tong si Uno?"

"Tumahimik nga kayo!" sigaw ni Uno sabay suntok sa mesa, "hindi ko kailangang harapin yung bubwit na 'yon" sabi niya saka naglakad papunta sa kabilang mesa kung saan nakalapag ang mga baril nila.

"Hindi mo siya kakalabanin?" tanong nung kasama niya.

"Bakit ko siya kakalabanin? Kung pwede namang sumuko siya agad bago ang laban?" nakangiti niyang sagot saka pumulot ng kutsilyo.

"Pagkatapos ano?"

"Isasama natin siya sa pag atake sa centro. Aminin man natin o hindi, mas marami sila sa kabila. Kung nagpaparami sina Allen, edi mabuti."

Kahit hindi sang ayon ang Beta ni Uno, wala siyang magagawa. Hindi niya gusto ang dayaan pagdating sa labanan dahil hindi iyon ang turo ng mga naunang myembro ng Phoenix. Hindi siya sumasama sa mga lakad ni Uno dahil lagi namang gulo ang hanap nun, mas gusto niyang siya na ang nagbabantay sa kuta nila.

"Hoy Kian" tawag ni Uno sa kanya, hindi niya pinahalatang nagulat siya, tumingin lang siya kay Uno na walang bakas na pag-aalala o ano man, "Ano na naman ba yang iniisip mo't para ka na namang tangang nakatingin sa kawalan?"

"Wala," sagot niya.

"Lagi namang wala kang iniisip, paano ka nga ba naging Beta ko?" tanong ni Uno, nainis si Kian pero kalmado parin siya.

"Hayaan mo na siya pare, pagplanuhan nalang natin kung paano natin isasama si Allen, ilang araw nalang ang natitira" sabi nung isa.

"Naalala mo yung babaeng kasama nila?" nakangising tanong ni Uno, nakaramdam ng pangamba si Kian.

"Si ate Allexa?" tanong nung isa.

"Huwag mo nga siyang matawag tawag na ate!" sigaw ni Uno, "Baka nakakalimutan niyong hindi na siya myembro ng Phoenix?"

"Eh hindi naman talaga siya myembro" bulong ni Kian pero si William na katabi niya lang ang nakarinig kaya siniko niya ito at sinenyasang manahimik nalang sila.

"Oh ano'ng gagawin natin dun?"

"Alam naman niyo namang siya lang ang nakakapagpasunod sa mga naunang myembro ng Phoenix di ba?" tanong ni Uno, hindi parin nawawala ang ngisi niya.

"Pare," bulong ni William, "masama 'to"

"Uno, alam mo namang hindi natin gawain ang nangkikidnap?" sabi ni Kian.

"Ah may pakealam ka na ngayon?" tanong ni Uno at nilapitan niya ito, "nabanggit lang ang pangalan nung Allexa na 'yon, nagrereact ka na agad?"

"Hindi sa gano'n-"

"Ikaw siguro ang nagsumbong sa kanila tungkol sa paghamon ko sa kabilang grupo no?"

"Mga pare" siksik ni William, "Malapit na ang laban, huwag tayong mag-away, saka na yan 'pag nanalo na tayo"

Nagtinginan muna ng masama yung dalawa saka nagsalita si Uno, "Huwag mong kakalimutang ako ang Alpha dito, alam ko lahat ng nangyayari sa grupong ito" tinignan niya si William saka si Kian, "Mag-ingat kayo, mamili kayo kung sino talaga ang pinapanigan niyo." sabi nito't bumalik sa mesa at pumulot pa ng ibang armas nila.

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now