Tumunog ulit ang cellphone niya.


"Sorry na, joke lang yun! 😂"


Hindi na niya nireplyan ang lalaki. Wala katapusang asaran na naman kapag itinuloy niya pa makipagtext dito.


Maliligo na lang muna siya dahil kanina pa siya nilalagkit at para mabinyagan na rin niya ang bagong gawa na banyo nila.


Itatago na sana niya ang phone niya nang magtext ulit si asungot.


"😍😍😍😍😍
Ganyan ang mga mata ko kapag nakikita kita."


Simpleng text lang yun pero iba ang pakiramdam na dulot sa kanya.


Kinilig siya!


Siguradong namumula na siya ngayon.


Bwiset na asungot na yun, hindi niya alam kung joke lang ba yun o hindi.


Hmp! Bahala siya!


Pero sa loob loob niya, kinikilig talaga siya.


Haaaay...


Iba din magpakilig tong si asungot.



——



"Happy anniversary!!!!"


Masayang nagsigawan at nagpalakpakan ang mga bata.


"At dahil diyan, kainan na!" masayang sigaw naman ni Juana.


"Yehey!!!!"


Nasa isang bahay ampunan sila ngayon kung saan sine-celebrate nila ang anniversary nito.


Naging malapit sa kanilang magkakaibigan ang bahay ampunan, kung ang tawagin ay ang Bahay ni Lola Felice.


Si Lola Felice ang unang nagtaguyod nito marami na rin siyang natulungan na kabataan noon mapahanggang ngayon na kahit na wala na siya ay patuloy pa rin ito sa pagtulong nang mga kabataan.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit niya nakilala si Juana at Serena.

Halos magkakapareho lang nang naman ang kwento nila sa buhay, parehong wala nang mga magulang.


Mga ulilang lubos..

Ang mga yumaong magulang nila ay isa sa mga tumutulong noon dito sa Bahay ni Lola Felicia.


Natatandaan niya pa noong bata pa siya ay lagi sila nagpupunta ng Nanay rito, kaya naging pamilyar na rin sa kanya ang lugar.

Hanggang sa lumaki na siya, ipinagpatuloy niya ang ginagawa nang kanyang Nanay noon kahit na wala siyang sapat na kinikita ngayon, ginagawa niya ang lahat para lang matustusan ang mga pangangailangan ng mga bata rito.


Ito na lang kasi ang kaisa isang bahay ampunan sa bayan nila na mukhang manganganib pang mawala...

Malapit kasi sa dagat itong bahay kaya marami ang nagkakainteres na kuhanin ito at pagtayuan nang isang malaking resort.


At ayun ang hindi niya hahayaang mangyari.



"Ate ganda.."


Bumalik siya sa reyalidad ng marinig ang isang tawag.


"Ano yun Mico?"

Ngumiti ang bata sa kanya at saka inabot sa kanya ang isang sandwich.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon