KABANATA 33

278 17 2
                                    







"Nag simula ang pagiging sumpungin niya noong umalis kami dito sa Pilipinas at namalagi na sa London.

Naging palaaway, parating mainit ang ulo. Minsan may pangyayari pa na nakulong siya dahil sa sobrang pagkabasagulero. Pakiramdam ko lang noong una ay nag rerebelde lang siya sa amin nang Daddy niya, sinubukan ko siyang kausapin nang masinsinan para magkaintindihan kami at mawala na rin ang galit na nararamdaman niya para sa amin pero hindi niya kami kinausap. Naglagay siya nang wall para sa sarili niya kaya hirap kaming lapitan siya.

3 years ago na maganap ang hindi inaasahang pangyayari. Nasa Italy na ako nang mga panahon na yon at nakikibalita na lang ako sa mga pangyayari sa buhay nang anak ko sa pamamagitan ni Sonya..

Si Sonya ay anak nang isang family friend, bata pa lang sila ni Elmo ay magkakilala na ang dalawa at malaki ang pagkagusto nang babae sa anak ko hanggang sa nagtagpo muli ang mga landas nila nang mag decide na mag aral si Sonya sa London. Simula nun ay hindi na tinigilan nang babae ang anak ko. Panay ang sunod nito halos siya na nga ang nanligaw pero dahil matigas ang puso nang anak ko ay binabalewala niya lang ang nararamdaman ni Sonya.

At sa tingin ko ay isa ka sa malaking dahilan kung bakit hirap magkagusto si Elmo sa iba.

Matagal ko nang alam na may gusto siya sayo, simula pa lang nang mga bata kayo ay nararamdaman ko na yun kaya siguro kahit anong lapit nang mga babae sa anak ko ay hindi niya magawang pansinin ang mga ito o kung meron man ay hindi niya sineseryoso dahil ikaw lang talaga ang gusto niya.

Sa sobrang pagka desperado ni Sonya makuha ang atensiyon nang anak ko ay gumawa siya nang isang bagay na dahilan para kamuhian siya ni Elmo.

3 years ago nang mangyari yon, nasa isang party si Elmo kasama nang mga kaibigan niya at sumunod doon si Sonya. Nagmamatyag lang ang babae nung una, humahanap nang paraan upang ma solo niya si Elmo hanggang sa makahanap siya nang tiyempo, palihim siyang lumapit at dahil lasing na lasing na si Elmo noon ay wala na itong pakialam sa paligid niya at nagtagumpay na makalapit si Sonya.

Inuwi ni Sonya sa apartment nito ang anak ko na wala nang malay dahil sa sobrang kalasingan. Sinamantala ni Sonya ang pagkakataon, alam mo na siguro ang susunod na mangyayari, masakit pakinggan pero ayon ang katotohanan pero huwag kang mag alala hija, hindi naman natuloy ang masamang balak ni Sonya dahil sa biglang pagsuka ni Elmo, sinukahaan niya ang babae.

Pero hindi pa nagtatapos doon, kinaumagahan nagising si Elmo at nadatnan niya na nasa isang hindi pamilyar na lugar siya hanggang sa nakita niya si Sonya na nasa tabi niya hubad baro ang babae. Nagulat si Elmo, inisip kung paano nangyari ang lahat at kung may nangyari ba sa kanila ni Sonya hanggang sa magising ang babae, nagsimula ang pagtatalo nang dalawa at nagpanggap ang babae na may nangyari sa kanila pero balewala pa rin yon sa anak ko at inisip na isa lang na one night stand ang nangyari.

Ilang weeks matapos mangayari yon ay hindi na nagkita pa ang dalawa hanggang sa makatanggap na lang nang isang tawag si Elmo na buntis si Sonya at siya ang ama. Halo halo ang emosiyon nang anak ko at hindi alam ang gagawin pero dahil may prinsipyo siya ay aakuin niya ang dinadala ni Sonya dahil sa kanya naman nang galing yon pero gusto ni Sonya ay makasal sila ni Elmo para makuha nang karapatan nito sa anak dahil kung hindi ay ilalayo nang babae ang bata. Pero matigas ang anak ko hindi pa rin siya pumayag sa gusto ni Sonya

Lubos na nasaktan si Sonya hanggang sa huli ay hindi niya pa rin makuha ang loob ni Elmo, tuluyan na itong na depressed dahilan para mawala ang anak sa sinapupunan nito.

So Into YouWhere stories live. Discover now