KABANATA 10

401 17 3
                                    






Halos ilang araw na ang nakalipas nang huling mag usap sila ni Elmo.


Hindi na nagparamdam ang lalaki simula nung magtalo sila nang dahil sa panonood niya nang seks video.


Sinubukan naman niyang itext ito pero tanging matipid na reply lang ang ipinadala nito sa kanya.



I'm busy.



Last text ni asungot sa kanya pagkatapos nun ay wala na itong paramdam sa kanya.



Galit ba ito sa kanya?



Hindi ba nito nagustuhan ang panonood niya nang seks video?



Baka nandiri na siya sa akin?



Pwes wala na siyang pakialam, bahala na siya sa buhay niya.



Mabuti na rin yun at matatahimik na ang buhay niya. Wala nang mangungulit at manggugulo sa kanya.


"O bakit nakabusangot yang pagmumukha mo sis." tanong ni Juana sa kanya.


Nasa palengke sila ngayon at naghahanda na sila para umuwi.


Naubos kasi ang paninda nila ngayong araw kaya masaya silang uuwi ngayon.


"Wala!" inis na sagot niya rito.



"Sus, namimiss mo lang si Mayor eh." pang aasar pa nito.


"Hindi no! At bakit ko naman siya mamimiss! Mabuti nga yung hindi na siya magpakita pa at matahimik na ang buhay ko." aniya rito.


"Naku ha! Kunyari ka pa diyan! Niloloko mo lang sarili mo sis." sabi pa nito.



Niloloko ang sarili? Bakit ko naman lolokohin ang sarili ko?


Ganun naman talaga nararamdaman ko.



Ganun nga ba talaga?



Hindi mo ba siya hinahanap?



Bakit hindi ka mapakali nang hindi na ito nagparamdam?



Umiling siya at pilit na iwinaksi ang sinasabi nang kanyang isipan.





"Wag ka na nga magulo diyan. Mag ayos ka na lang diyan at nang makauwi na tayo." pag iiba niya rito.


Pinaikutan lang siya nang mata ni bakla at saka ito sumunod sa kanya.




"Mga te!!!!"




Nagulat sila nang marining ang sigaw ni Serena.


"O Serena bakit, anyare sayo?" pagtatanong ni Juana rito.


Kita niya ang pag aalala sa mukha ni Serena habang nakatingin ito sa kanila.



"Serena, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya rito.


"K-kailangan natin pumunta nang bahay ni Lolo Felicia ngayon.." kinakabahan na sabi nito.


Nakaramdam siya nang pangamba nang marinig ang sinabi nito parang alam na niya kung ano ang gusto sabihin ni Serena.


"Yung negosyanteng si Mario Gonzales nanggugulo na naman at pilit na pinapaalis ang mga bata dun."



"Hindi nila pwedeng gawin yan! Wala silang karapatan dun." galit na sigaw ni Juana.


So Into Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن