KABANATA 15

510 14 4
                                    







Right now, I'm in a state of mind
I wanna be in like all the time
Ain't got no tears left to cry
So I'm pickin' it up, pickin' it up
I'm lovin', I'm livin', I'm pickin' it up
I'm pickin' it up, pickin' it up
I'm lovin', I'm livin', I'm pickin' it up..🎶





"Wooo go sis!!"



Wala siya ibang ginawa ngayon kundi ang gumiling at sumigaw.


Ganito pala kasaya sa club parang sobrang malaya ka rito.



"Igiling mo pa sis!!!"



Tuwang tuwa naman sina Serena at Juana ngayon.



Ngayon lang sila nakapag bonding nang ganito, bihira lang kasi sila lumabas, palagi lang bahay at palengke ang eksena nila.



Maganda rin naman yung magsaya ka rin paminsan minsan, yung wala kang iniisip na problema.



Itinungga niya naman nang mabilis ang alak na hawak niya.



Nang may maramdaman siyang dumikit sa kanyang likuran.



Nilingon niya yon nang makitang may lalaking nakangisi sa kanya.



Lumayo naman agad siya dito. Masama ang pakiramdam niya sa lalaking yun.



Parang huhubarin siya sa mga titig nito.




"Hello Miss.. Anong name mo."




Kinalibutan siya nang lumapit pa ito sa kanya.



Hinanap naman niya ang dalawa na ngayon ay may kasayaw na nang iba.



Nagmamadali naman siyang lumapit sa mga ito nang biglang may humatak sa kanya.



"Masyado ka naman pakipot miss." wika nang lalaki sa kanya.



Nagpumiglas naman siya sa hawak nito nang maramdaman niyang itinutok nito ang matigas na bagay sa kanya likuran.


Kumabog nang malakas ang dibdib niya.



"Nararamdaman mo ba to, ito ang ginagawa mo sa akin ngayon. Masyado mo kong inaakit miss."



Nanginginig bigla ang buong katawan niya.



Sisigaw na sana siya nang biglang may humaltak sa lalaki.



"Ack—"



Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Elmo na walang habas na pinagsusuntok ang walang nang malay na lalaki.



"E-elmo.." mahinang tawag niya rito.



Napahinto naman ang lahat sa pagsasayaw at lahat ay nakatingin na sa lalaki.




"Sis, okay ka lang ba?" rinig niyang wika ni Juana.




Tumango lang siya rito at saka siya nagmamadaling lumapit sa lalaki na hanggang ngayon ay binubugbog pa rin ang nangbastos sa kanya.



Bakit wala man lang umaawat?




"Fvck you!!!" galit na sigaw nito.



Naalarma naman siya at baka tuluyan nang mapatay nito ang lalaki.




"Elmo tama na yan!" sigaw niya rito.



So Into YouWhere stories live. Discover now