KABANATA 21

337 16 1
                                    





ELMO




"Kakagaling ko lang sa sakit papasabakin niyo agad ako sa isang mission?!" gigil na gigil na sigaw niya sa matanda.



At nakuha pa nito ngitian siya. Lalo lang siyang nainis dito.



Gusto sana muna niya na makapagpahinga na muna sa trabaho niya. Sunod sunod kasi ang mission na binibigay sa grupo nila.


Nagkandasakit sakit na nga siya dahil walang siyang maayos na pahinga. Dagdagan pa ang mga pasa, sugat at pilay na natamo niya nung huling sumabak sila sa mission.


Sinugod lang naman nila ang isang makapangyarihang drug lord sa bansa kaya nagkandahirap hirap sila kung paano susugpuin ang mga ito.


Masyado kasi silang marami at iilan lang ang miyembro nang Red Night nang gabing yun.


May mga natamaan nang baril, nadaplisan at nasugatan sa grupo niya mabuti na lang ay wala naman malalang nangyari sa kanila maliban lang dun.


Sa kabutihang palad rin ay umayon sa kanila ang swerte at nahuli nila ang drug lord at kasama na ang mga tauhan nito.


Ngayon matatahimik na sila ngayon, nakapagtumba na sila nang isang malaking drug lord sa bansa at alam niyang hindi pa ito ang huling klaseng mission ang gagawin niya.


May kasunod pa ito at kailangan niyang paghandaan yon.



"Ilang kababaihan ang naireport na nawawala at hanggang ngayon ay wala pa rin nakakakita sa kanila." rinig niyang wika ng matanda.


Inis naman niyang tinitigan ito.


Dapat kasama niya si Janella ngayon, hindi pa sana siya uuwi kung hindi lang siya pinatawag nang matandang to.



May ipinakita sa kanila ang matanda nang isang litrato at wala naman gana niyang kinuha yon.



Ano pa ba magagawa niya kundi sumunod na lang muna rito tsk.


Nag promise pa naman siya kay Janella na magda date sila, pasasalamat niya rin dahil inalaagan siya nito habang may sakit siya.



Pagkakataon na rin niya yun para mai-date ang babae sa pangalawang pagkakataon.


At mukhang mauudlot pa yun..




"Yan si Mr. Chua, isang chinese businessman. May malaki siyang ipinapatakbong negosyo sa Manila kung saan binebenta niya ang mga kababaihan sa mga kapwa nitong negosyante."


Napatitig naman siya sa hawak niyang litrato.


Napakapangit naman nang matanda. Mukhang madali lang ang mission nila at hindi rin siya mahihirapan.


Sisiw lang sa kanyw ang mga ganitong mission.


Malakas talaga ang kompiyansa niya sa sarili..



"So babalik ulit kami nang Manila para makapag plano na kami kung paano susugurin ang lalaking to." biglang tanong ni Shaun sa matanda.


Nasa harapan niya lang ang lalaki at tulad niya ay hawak rin itong litrato.



"No, hindi kayo babalik dun. Meron na akong naatasan na ibang team doon." wika naman nang matanda.



"So anong gagawin namin?" walang ganang tanong niya.



Mabuti na lang at hindi sa Manila ang location nang next mission nila, mapapalayo na naman siya kay Janella.



So Into YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant