KABANATA 38

296 14 4
                                    







JANELLA



Sana isang lang itong masamang panaginip..



Gusto na niyang magising sa panaginip na ito, na sana hindi totoo ito lahat. Sana magising niya.


Hindi niya kayang tanggapin ang mga nangyayari ngayon.


Bakit ito nangyayari sa kanya? Ano bang ginawa niya?


Bakit siya pinapahirapan nang ganito?



Nahihirapan na siya, akala niya magiging madali lang ang lahat para sa kanilang dalawa ni Elmo pero nagkakamali siya. May mas mabigat pa palang dumating at kailangan nilang harapin.


Dalawang araw siyang hindi naglalabas nang bahay. Galit siya mundo ngayon ayaw niyang makita ang mga taong dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon.



"Ateng.." napaangat ang tingin niya nang makitang nasa harapan na niya ang dalawang kaibigan.


May pag alala sa mga mukha nito ngayon.


"Te, meron naghahanap sayo sa labas." ramdam niya ang kaba sa boses ni Serena.


Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.



"Pakisabi, ayoko siyang makita." pinal na wika niya.


Nagkatinginan ang dalawa, alam niyang naunawaan siya nang mga ito at hindi siya pipilitin sa ayaw niya kaya sumunod na lang ang dalawa sa sinabi niya.



Marahan siyang humiga at pumikit. Ramdam niya ang pagod niya at pakiramdam niya rin ay namamanhid na siya.



Elmo...



Gusto niyang puntahan ito at tingnan kung maayos ba ang lagay nito pero nagdadalawang isip na siya lalo na sa mga narinig niya.


Hindi nagbabago ang nararamdaman niya para rito pero paano na ang mangyayari matapos ang mga naging rebelasyon nang sarili niyang ama.


Hindi niya kayang tanggapin na magkapatid sila nang nobyo.



Hindi niya kaya...



"Ateng, hindi raw siya aalis hanggat hindi mo siya kakausapin." rinig niyang wika ni Juana.


Napayukom ang kamay niya. Hindi niya pa kayang harapin ito ngayon at baka kung ano pa ang masabi niya.



"Janella hija.." mabilis siyang napabangon sa kanyang hinihigaan nang marinig ang boses nito.


Sino may sabing pumasok ito sa pamamahay niya.


Kaagad niyang tiningnan ang mga kaibigan, nakayuko ang mga ito at hindi makatingin sa kanya.


"Bakit ka pumasok dito, hindi naman kita pinapasok ha." pabalang na wika niya.



"Pakinggan mo muna ako anak—"




"Huwag mo kong tawagin niyan!" natigilan ito sa biglang pagsigaw niya.


Nanginginig ang buong katawan niya, nakita niya lang ito nang malapit sa kanya ay nakakaramdam siya nang pagkamuhi para rito.


Biglang pumasok sa kanyang isipan ang lahat nang alaala niya nung mga panahon na kasama niya pa ang kanyang Nanay. Yung mga paghihirap nito para itaguyod siya mag isa. Ang pagkakasakit nito na hindi ipinakita o ipinahalata sa kanya, ininda nito ang lahat huwag lang siya mag alala pero huli na ang lahat at hindi man lang niya ito natulungan.

So Into YouWhere stories live. Discover now