KABANATA 40

348 11 6
                                    







Ilang araw ang lumipas ay ganoon pa rin ang sitwasyon ni Elmo, hindi pa rin ito makausap nang maayos at laging tulala.


Nahihirapan na siya. Gusto na niyang maibalik yung dating sigla nang nobyo pero paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay hindi rin alam ang gagawin.


Mabuti na lang at medyo gumagaling na ang sugat nito at hindi na ulit nagwawalang muli kaya nailabas agad nila ito sa hospital at nakakapagpahinga na ito nang maayos sa mansion nito. Halos marami ring inayos at binayaran ang Daddy nito dahil sa ginawa nitong pagwawasak sa mga gamit nang hospital. Nanghingi rin siya nang paumanhin sa mga nurse na sinisigawan nito sa tuwing gusto itong tingnan at lapitan. Mabuti na lang at mahaba ang pasenya nang mga ito at maunawain.


Gayun pa man ay hindi na siya umalis sa tabi nito, umuuwi lang siya sa bahay nila kapag maliligo siya o may kukuhahin na kakailanganin niya. Kulang na lang at sa mansion na siya tumira. Natatakot siya na baka kapag nawala siya sa paningin nito ay maulit na naman ang pagwawala nito.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapag usapan ang sitwasyon nilang dalawa ni Elmo, hindi pa rin siya naniniwala na magkapatid sila.



Dahil ayaw niya ring maniwala.



Hindi rin niya makausap nang maayos ang tatay niya, ang huling pag uusap nila ay noong pinuntahan siya nito sa bahay. Samantalang hindi niya pa nakikita ang Mommy ni Elmo hanggang ngayon, nagtataka siya kung bakit hindi na ito nagpakita matapos mabunyag katotohanan sa pagkatao nang anak nito.


Dapat nga ba siya maniwala rito?



Marami siyang katanungan pero alam niyang mahihirapan siyang hanapin ang kasagutan na yon. Gusto niyang magtanong sa Daddy ni Elmo pero tulad nito ay bihira niya lang makita at mukhang hindi ito apektado sa mga nangyayari sa paligid nito.


Napapailing na lang siya sa mga nangyayari. Lalo lang sumasakit ulo niya.


Pero meron pa siya isang kinakatakutan, ang resulta nang DNA test. Ayon kay Shaun ay pumayag ang tatay niya na makipag DNA ito kay Elmo, wala naman problema rito dahil gusto rin nito makasiguro kung totoo bang anak nito si Elmo.


Ilang beses siyang nagdasal na sana maging maganda ang resulta, na isa lang pagkakamali ang lahat nang ito.



"Good morning mam." bati sa kanya nang kasambahay nila Elmo. Kakarating lang niya sa mansion dahil sumaglit lang siya sa bahay para makapagpalit nang damit at makaligo na rin.


"Ano ka ba te, huwag mo na kong mina-mam diyan." natatawang sita niya sa kasambahay. Naiilang kasi siya sa pagkakatawag nito. Natawa na lang ito sa kanya.



"Kamusta si Elmo, okay ba siya ha?" may pag aalalang tanong niya. Nag aalala lang siya at baka magwala na naman ito dahil sa pag uwi niya. Mabilis kasi ito mairita kapag hindi siya nito nakikita pero nakapagpaalam naman siya rito kanina na sasaglit lang siya sa bahay para kitain rin ang dalawang bruha. Kahit papaano ay namimiss niya rin ang dalawang kaibigan niya, ilang araw na rin niyang hindi nakakasama ang mga ito.


"Ganun pa rin mam— este Ate Janella. Kakain lang raw siya kapag bumalik ka." sagot nito.



Napabuntong hininga na lang siya. Masyadong matigas ang ulo ang isang yon. Nagpasalamat siya sa kasambahay at nagpaalam muna siya rito saglit para puntahan si Elmo.


Nakakailang hakbang pa lang siya papasok nang mansion nang bigla siya salubungin na nagmamadaling si Elmo. Nagtataka pa siya nung una kung bakit ito nagmamadali pero ganun na lang ang gulat niya nang bigla siya hilahin nito palabas nang bahay.


So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon