KABANATA 12

451 14 3
                                    







ELMO



Nakatanggap siya nang isang  importanteng tawag kanina at kailangan niya agad puntahan ito ngayon.


Akmang palabas na siya nang mansion nang harangin siya bigla nang tatay niya.



"Saan ka pupunta?" tanong nito.



"Somewhere." tipid na sagot niya.



Umiwas naman agad siya rito.


Lalabas na sana siya nang bigla siyang tinulak nito pabalik.



"Ano ba Dad!" inis niyang sigaw rito.



Ano bang problema nang matandang to.



"May kinalaman ka ba sa nangyari dun sa negosyanteng si Mario Gonzales." biglang tanong nito.


Umabot na pala sa matandang to ang nangyari dun sa hayop na yun.


Umayos siya nang tayo at ngumisi siyang humarap rito.


"Pinagbibintangan mo ba ako Dad?" matapang na tanong niya rito.


"H-hindi, nagtatanong lang ako. Sinisigurado ko lang at baka maka apekto ito sa pagtakbo mo." wika nito.


Pagak naman siyang natawa.


Wala talaga ito ibang inisip kundi ang wala kwentang politika na yan.


Masyadong gahaman sa kapangyarihan.


Napapailing na lang siya..


"Aalis na ko.. Walang naman kwenta tong pinag uusapan natin." aniya rito.



Hindi naman ito naka imik at hinayaan na siyang lumabas nang mansion.


Pero hindi niya inaasahan ang makikita paglabas niya.



"Hello baby boy!"




Biglang nag init ang ulo niya nang marinig ang isang pamilyar na boses.



"Sonya, bakit ka nandito?!" galit na tanong niya rito.


Nakangisi naman ito lumapit sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito?!" pagtatanong niya pa rito.


Sinusundan ba siya nang babaeng to?



"Tinawagan ako nang Daddy mo at kailangan mo raw nang tulong sa pangangampanya mo." wika nito.


Inis na inis naman siya sa sinabi nito.


Ayaw niya sa lahat yung pinakikialaman siya.



Anak si Sonya nang isang matalik na kaibigan nang Daddy niya.


Simula nang makilala niya ang babaeng ito hindi na siya tinantanan nito, parang ito isang aso na lagi nakabuntot sa kanya.


Kaya sa tuwing nakikita niya ito ay nasisira ang araw niya.



"Pwes, hindi ko kailangan nang tulong mo!" angil niya rito.

Iiwan na sana niya ito nang bigla siya nitong yakapin.


"Hindi mo ba ako namiss baby boy?" maarteng sabi nito.


Nakuha pa nitong mag lip bite sa harapan niya.


So Into YouWhere stories live. Discover now