KABANATA 39

285 14 3
                                    








"Anong pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun ha?!" galit na galit na sigaw niya sa babae.


Napakuyom ang kamay niya habang tinititigan ang pigura na nasa harapan niya. Gusto niyang saktan ito ngayon..


Gustong gusto niya pero nanaig pa rin sa kanya ang respeto para rito.



"Hindi ko alam! Nawala ako sa sarili ko!" umiiyak na wika nang babae. Ilang araw nang ganito ang ginagawa nang babae halos hindi na ito lumalabas nang bahay at alam niyang kinokonsensya na ito sa mga ginawa nito.


Nakaramdam siya nang pagkaawa rito pero hindi pa rin tama ang ginawa nito dahil nadamay ang nag iisang mahal nila sa buhay.


Alam niya sa sarili niya na marami rin siya naging pagkukulang at hindi rin siya naging mabuting tao pero hindi niya hahayaang masaktan ang malalapit sa kanya.


Lalong lalo na ang anak niya..



"Ganyan mo ba talaga siya kamahal kaya pati ang sarili mong anak ay idinamay mo pa." may hinanakit na wika niya.


Sasaktan siya para rito dahil alam niya ang nararamdaman nito ngayon dahil pareho lang sila nang sitwasyon.


Hindi naman nakaimik ang babae, patuloy lang ito sa pag iyak. Napayukong napailing na lang siya.


Nasasaktan siya para sa kanyang anak at para sa sarili niya.



"Mas importante pa sayo ang lalaking 'yon kaysa sa kaligayahan nang anak mo."


Pagak siyang natawa nang wala siyang makuhang sagot mula sa babae. Huminga siya nang malalim at saka niya iniwan itong mag isa.


Napapagod na rin siya. Ilang taon rin siyang umaasa rito na mamahalin siyang pabalik nito pero kahit na anong gawin niya ay mukhang hindi na yon mangyayari.

Siguro ay kailangan na niyang ihinto na ang pag iilusyon na balang araw ay matutugunan nito ang nararamdaman niya. Masyado niya lang sinasaktan ang sarili.


May mas importante pang bagay ang dapat na ayusin ngayon.



Ang kalagayan nang kanyang anak..








——





JANELLA




Nagmamadaling tumakbo siya papasok sa kwarto kung nasaan si Elmo. Tinawagan agad siya ni Shaun at ibinalita nito ang mga pangyayari sa hospital at wala na siyang sinayang na oras at pinuntahan niya agad ang lalaki.


Naluluhang binuksan niya ang pintuan at ganun na lang ang pananakit nang dibdib niya nang makita ang hitsura nang loob nang kwarto.


Halos lahat nang gamit ay sira na at pinagwawasak. Gulong gulo rin ang kama kung saan naka upo ngayon ang lalaki.


Napatakip siya kanyang bibig at mahinang umiiyak. Kitang kita niya ang mga natuyong dugo sa sahig at ang kama nito na halos pula na dahil sa mga dugo na nanggagaling sa sugat nito.


"Janella!" agad na lumapit sa kanya si Shaun nang makita siya nito. May pag alala sa mukha nito habang nakatingin ito sa kanya.


Ibinalik niyang muli ang tingin kay Elmo na ngayon ay walang imik at nakatulala lang. Parang hindi siya nito nakikita.



"Kanina pa siya ganyan.." rinig niyang wika ni Shaun.


Napahikbi siya, dahan dahang lumapit rito.


So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon