KABANATA 29

323 19 2
                                    






JANELLA




"Off mo muna yung phone mo."



Napalingon siya nang marinig ang boses ni Elmo. Nasa garden sila ngayon nang bahay nang lalaki kung saan sila magpipicnic nito. Medyo malalim na rin ang gabi kaya malamig na ang simoy nang hangin


"Bakit ko naman papatayin to. Mamaya baka biglang tumawag sila Juana eh." tumabi ito sa kanya at saka nito nilapag sa tabi nila ang dala dala nitong pagkain.


"Ayun nga baka tumawag na naman sila at maiistorbo na naman tayo."


Oooh!


Ngumuso ito na parang nagmamakaawa pa sa kanya.


"Please.."


Napabuntong hininga na lang siya.


"Oo na!" ginawa niya ang pinagagawa nito at pinatay na ang kanyang cellphone.


Ngiting ngiti naman ito yumakap sa kanya.


"Gustong gusto mo talaga ako masolo ha." tango naman ito nang tango.


"Siyempre, kaya nga kita dinala dito para wala nang makaistorbo sa atin." humagikgik pa ito. Napairap na lang siya sa inaakto nito.


"Kain na tayo! Gusto ko nang kainin yung adobong niluto mo." humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at inasikaso na ang mga pagkain na kakainin nila.


Mukhang hindi nila mauubos ang pagkain na nasa harapan nila sa sobrang daming dinala nang lalaki. Sakto lang naman yung adobong niluto niya para rito.


"Kamusta ang araw mo?" biglang tanong nito sa kanya. Nagsalin siya nang tubig sa kanyang baso at ininom niya muna yon bago niya sagutin ang tanong nito.

Inisip niya muna kung ano bang nangyari sa buong araw niya. Maghapon lang naman sila nasa palengke at wala naman bagong nangyayari. Maliban na lang doon sa matandang lalaki na panay ang balik sa tindahan nila para bumili nang bangus.


Kung i-kwento niya kaya ito kay Elmo? Baka lalo lang higpitan nito ang pagbabantay sa kanya at siguradong magagalit naman ito.

Lagi naman itong galit kaya asahan na niya na ganun nga ang magiging reaksiyon nito.


"Janella?" agad siyang bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses nito. Nakatitig na pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan.


"Anong iniisip mo bakit ka bigla natulala?" kita niya ang pagkunot nang noo nito habang nakatingin sa kanya.


Sabihin na kaya niya? Baka kasi bumalik na naman yung matandang lalaki at hindi niya alam kung anong posibleng gawin nun sa kanya at sa mga kaibigan niya.


"Kanina kasi sa palengke, merong matandang panay bili nang bangus sa amin. Pangatlong beses na siyang bumalik ang nakakapagtaka lang yung paraan nang pagkakatitig niya sa akin, hindi ko maipaliwanag pero parang—"


Napapitlag siya nang biglang bumagsak ang kubyertos na hawak nang lalaki. Agad siyang napatitig dito at bumalik na naman ang galit na hitsura nito.


"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan." seryosong wika nito.


"P-pangalawang beses ko pa lang siya nakikita pero ang sabi ni Juana bumalik ulit yun nung wala ako sa tindahan. Kanina lang natiyempuhan niya ako na nandoon sa pwesto namin." paliwanag naman niya. Seryoso pa rin ito nakatingin sa kanya.


So Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang