Chapter Nineteen : Shared Life

83 6 0
                                    

Chapter Nineteen : Shared Life

Carin.

“Pinilit ni Erica na matulog ulit nang magising siya. Ang sabi niya sa akin, may kailangan silang pag-usapan ni Benedict,” saad ni Jellal nang maka-alis ang mga binabantayan namin.

Napakunot ang noon naming pareho. Nakakrus ang mga braso ni Jellal. Mukhang parehas kami ng iniisip. Kung anong kailangan pag-usapan nila Erica at Benedict.

“Things are getting worst, at ayokong may mangyaring masama sa palasyo,” sabi ni Jellal. Akala ko'y parehas kami ng nasa isip. “Mamayang gabi, tuturuan ko na si Erica ng mga dapat niyang malaman sa kakayahang meron siya.”

Agad akong napatingin. “Ituturo mo sa kaniya ang kakayahan ng panaginip,” pagtatama ko.

“Kakayahan ng panaginip na tanging sila lang ang makakagamit,” nakangising sagot ni Jellal.

Saglit kaming natahimik. Hinayaang mamagitan sa amin ang katahimikan, at ang payapang paghawi ng hangin.

“Argh!!” Napapikit ako kasabay ng boses na narinig ko. Sigurado akong si Benedict ang may ari ng pagdaing na 'yon. Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon ay hindi maganda, dahil naaapektuhan din ako.

Sumakit ang likurang bahagi ng ulo ko, hanggang sa unti-unting gumapang ang kirot papunta sa harapan. Parang bibiyakin ang ulo ko, at hindi ko alam kung paano ito maiibsan.

“Carin? Carin!?” Nag-aalalang inalalayan ako ni Jellal. Pero imbis na magpatulong sa kaniya, dali-dali kong ginamit ang lakas ko para makatakbo.

Considering the power left in my body, hindi ako makakagamit ng mahika para mapunta kaagad sa kinalulugaran ni Benedict, kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang tumakbo. Sumunod na lamang sa akin si Jellal, na wala ring alam sa nangyayari.

Base sa layo at lakas ng daing ni Benedict, malamang ay nasa fountain siya, o malapit do'n kaya mas binilisan ko ang takbo ko para makarating agad sa kaniya. Hawak-hawak ko ang ulo ko kahit na hindi naman nito naiibsan ang tila pagkawarak nito.

Nang makarating ako sa fountain, agad kong nakita si Benedict at Erica. Nakalumpasay si Benedict sa sahig, at tila hirap na hirap sa sakit na nararamdaman.

Oo, konektado nga kami sa isa't-isa, pero 'di hamak na mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kumpara sa nararamdaman kong sakit. Natataranta akong lumuhod sa harapan niya, at inalalayan siya.

Hindi ko alam kung anong meron, pero nakaramdam ako na parang may nawawala sa pagka-elf ko. Ang koneksyon ko kay Benedict. Unti-unti ng nawawala ang koneksyon ko sa kaniya.

Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, malamang 'yon ang dahilan.

Mukhang tama nga na malapit nang mawala ang kakayahan ni Benedict. Sooner or later, maglalaho na rin ako na parang bula sa memorya niya. Kasabay ng pagkawala ng lahat ng mga ginawa niya sa panaginip na 'to.

“Benedict? Benedict!?” Nataranta ako nang mawalan na ng malay si Benedict. Napansin ko na iyak lang nang iyak si Erica sa tabi ko habang inaalo siya ni Jellal.

I hate this feeling. I hate this feeling na pinayagan ko siyang sumama kay Ericka. I hate this feeling na bakit ko siya hinayaang mawala sa paningin ko. And I hate this feeling na pakiramdam ko, hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko bilang isang elf. Naiinis ako sa sarili ko.

Minsan ko na itong nagawa. Minsan ko ng napabayaan si Benedict. At 'yon ang araw na natulog siya sa loob ng panaginip. I supposed to warned him not to sleep, pero hinayaan ko iyon dahil hindi ako naniniwalang mawawalan na siya ng photographic memory.

Benedict DreamsWhere stories live. Discover now