Chapter Ten : Erica's Dream

113 10 4
                                    

Chapter Ten : Erica's Dream

Benedict.

Agad akong hinatak ni Carin pababa ng tree house.

Pakiramdam ko hihiwalay na 'yung kamay ko dahil sa pagkaladkad niya sa akin. Hindi naman masiyadong halata na excited siya sa pagdadalhan niya sa akin.

"Sigurado ka bang hindi tayo sa fountain pupunta?" tanong ko sa kaniya. Sinabi na niya sa akin kanina na hindi doon ang tungo namin, at bakas ang pagmamadali sa kaniya kaya alam kong hindi talaga kami do'n pupunta. Gusto ko lang tanungin ulit para kahit papaano'y bumagal ang paghatak niya sa akin kapag sumagot siya.

Kaso bigla akong nagduda nang lumiko kami at tahakin na namin ang daan papunta sa fountain. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya tingin ko niloloko lang niya ako nang sabihin niyang hindi kami sa fountain pupunta.

"Sabi ko sa'yo, sawa na ako sa fountain."

"Basta. Sumunod ka na nga lang," aniya. Hindi pa rin niya binibitiwan ang braso ko. Panandalian akong nailang dahil ni minsan sa buhay ko, hindi ako hinatak ng kahit sino.

Mabilis ang mga bawat hakbang namin, kaya namalayan ko nalang na huminto na kami sa paglakad-takbo, at nasa tapat na kami ngayon ng fountain.

"Hay nako, Carin. Isa kang sinungaling na elf," ani ko bago siya pangasiman ng mukha.

"Manood ka muna bago ka dumada," mapagmalaking saad niya. Binitawan niya na ang kamay ko.

Binuka niya ang magkabila niyang palad at itinapat ito sa fountain. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon. Gagawin ba ulit niyang hugis kaharian 'yon? O balangkas nung estranghero?

Mula sa palad niya, isang dilaw na bilog ang lumabas dito. Sa fountain din, may bilog na lumabas doon. Unti-unti itong lumaki hanggang sa tingin ko ay kasya na ang katawan ng isang tao rito.

May mga sign na umiikot dito. I'm glad na hindi math equations ang naka-lagay sa bilog dahil baka mabaliw lang ako. Gayunpaman, ni isa sa mga simbolo na nasa bilog na 'yon ay hindi ko maintindihan. May ibig sabihin kaya ang mga 'yon?

"Sinaunang letra ng mga elf 'yan," sabi ni Carin nang mapansin niyang pinagmamasdan kong maigi ang mga simbolo.

Napatango na lamang ako bago mapagtanto kung ano ang nasa harapan ko, kung anong ginawa ni Carin.

Portal.

Sigurado akong portal 'yan, pero hindi ko alam kung saan papunta.

"Pakitang gilas?" mapang-asar kong saad kaya napa-irap siya sa hangin. "Saan naman papunta 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Kahit saan." Ramdam ko ang yabang sa tono ng pananalita niya kaya tinawanan ko lang siya.

Napakunot ang buong mukha niya dahil sa pagtawa ko. Para talaga siyang bata. "So, saan mo nga gustong pumunta? I mean. Kaninong panaginip mo gustong pumunta?" Tumaas-baba pa ang pareho niyang kilay dahilan para magdalawang isip ako sa gusto niya.

"Safe ba 'to?" tanong ko sa kaniya kaya inirapan niya ako ulit.

"Hello? You are more than safe with your guardian elf."

"Talaga ba?"

"Tsk. Kung ayaw mong mamasyal, sabihin mo na lang agad," aniya kaya napahagikgik ako.

"Okay, okay. Kalma."

"So kaninong panaginip ang gusto mong mapuntahan?" pag-uulit niyang tanong.

Napatingin ako sa dilaw na portal na ginawa niya. Wala sa sarili akong napabulong, "Erica."

Benedict DreamsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt